Search The Net

Tuesday, June 14, 2011

My Entry for Reader’s Digest’s “Eat Shoot and Win” Street Food Review


Canon Digital IXUS 115 HS Camera can be yours!

On the last minute, my entry for Reader’s Digest’s “Eat Shoot and Win” Street Food Review has just been approved. Thank God. :)

Please vote for my entry and you will have a chance to win a Canon Digital IXUS 115 HS camera. Voting will just take less than a minute. Trying is harmless. Thank you. :)

Here is the link: http://www.rdasia.com/food-contest/?m=view&id=333
Vote now, before someone else does. :)

Camera's specs, see here: http://www.dpreview.com/news/1102/11020711canonixus115hs.asp

Saturday, October 23, 2010

Do not teach your boss how to tweet


12:30PM. Office.
Dumaan si Boss.

         Boss:  Ano yan? Bawal yan!!
princejuno: Bawal bawal ka dyan!
                 And so what kung sa office,
                 magtutweet ako kung gusto ko no.
                 Breaktime naman.
                 Kaya magtutweet nalang ako kesa matulog.
                 Ang saya kaya. Try mo! :D

         Boss:  Sige nga, paano ba yan?
princejuno: Ganito lang yan Boss...

After a moment.
Checking @Mentions:

YourBoss :  @princejuno You are Fired!
princejuno: Ajujujujuju :'(


*fingers-crossed for this post :D

Monday, October 4, 2010

EMOrtal

Weekends. Walang lakad. Walang gala. Inip. Kaya heto, kung ano ano ginagawa. Hehe

I was inspired by the IMORTAL, new show of ABS-CBN. Naisip ko lang, gawing Vampire ang sarili ko. Presenting, "EMOrtal" and Mortal na madalas mag Emo-emohan. :D Oh, Ano masasabi mo? :)

Monday, September 13, 2010

Panahon ng emo ngayon, bawal magkasakit.


Narinig ko sa dyaryo, “Panahon ng emo ngayon, bawal magkasakit.”

 
Sabado. May pasok ako. Oo ako lang. Ako lang mag-isa sa malafreezer na office sa lamig. Na kahit gamitin ko pa ang super duper major major scarf ko, tagos to the bones parin ang ginaw. Winter season everyday kung baga.

Signal number 1:
Nakakabingi at nakakabaliw na katahimikan. Walang makausap. Walang kasabay na kumain. Tanging si Laptop lang ang kasama. Pasurf-surf ng mga restricted sites sa office habang nagwowork. Facebook. Twitter. Etc. (para-paraan lang yan. Proxy proxy lang yan.
:), ma striketrough nga itong smiley, dahil hindi ako masaya. Bored ako. Wala ako sa mood para magsmile. Bitter.) O yan tumatama na si bagyong Emo.
Nagutom ako. Punta ng canteen. Pili. Paikot ikot. Order. Kuha ng tubig na mainit para sa favorite na Kopiko Brown (inendorse ba). Hanap ng upuan. Sakto! May nakitang friendship. Itago na lang natin sya sa pangalang Bartolome. Isang mabait na tropa.
P: (Nagtanong ako) Patapos na ba kayo?, pasabay ha. Musta?
B: Ayus lang.  (Blah blah black sheep…)

P: O kailan ka lipat sa department namin? Lilipat ka na ba?...hehe (naks! May hehe... masaya na?)

Signal number 2:
Isang linya mula sa kanya ang nakapagdagdag ng ka-emohan ko.
B:  Lilipat? Oo lilipat. Lilipat ng company.
P: Weh? Di nga? Siryoso?
 B: Uu nga, nagresign na ko. At last day ko na today.
P: Biglaan ata?
:)
...:|... :(... (blah blah black sheep...)
Nagulat ako. Few weeks na din kasi nung last time kami nagusap. Sa ibang department sya at magkaiba ang schedule namin. Isang kaibigan na naman ang umalis. Ayoko ng ganitong feeling. Nalulungkot ako pag may nagreresign na mga kaibigan ko. Sobra kasi ako kung maattach sa mga tao, lalo na sa mga close friends. (sino bang hindi?... o sadyang melodramatic lang talaga akong nilalang sa mundo). Kung kanina, 50 kg lang ang bigat sa dibdib, ngayon 200kg na.
Nakakalungkot lang kasing isipin na ang mga taong dati ay kasabay mong kumain, kakwentuhan, katabi sa bus pauwi, ay aalis na. “It’s not the separation that makes us sad when hearing goodbye. It’s the fact that it would never be the same as before.”  (Mukhang ila-Like ko na sa facebook ang page ng “Nothing is permanent, everything changes. “.) Buhay nga naman. People come people go. I guess that would be goodbye.
Balik sa cube. Sa ice-cube. Nagmuni muni. Naghanap ng butiki sa dingding kahit alam na wala naman.
Ting ting… ting ting… uy! Isang volume 3 na message tone mula sa touchscreen kong phone na wala namang screen. May nagtext! Naks! May naka-alala.  Baka ito makatanggal ng kaemohan ko.
Signal number 3:
(Binuksan ang message.) Si Cath, Classmate ko nung college, nagtext. Ang sabi, “eow phowz? pu2nta ka b d2? Nand2 kami ngaun kna xcel.”Oo isa syang jejemon. Birthday ni Criselle. Ang akalang text na makakapagligtas sa nalulunod kong katawan sa dagat ng kalungkutan, e lalo pang nakapagpalubog sa akin. Para bang hinagisan ako ng salbabida na may 100 kilo ang bigat.  Maling akala.
Wala akong magawa. Hindi ako makapunta. Nasa Cavite ako, nasa Pampanga sila. Gustohin ko mang pumunta, hindi lang dahil sayang ang pagkain na alam kong masarap, dahil bongga at masarap magluto ang nanay ni Criselle, kundi dahil din gusto ko din makita mga classmates ko. Years na rin ata kaming hindi nagkikita. Tama ng paliwanag!
Signal number 4:
At biglang tutamawag si Cath. Sinagot ko. Nangumusta. Bumati. Nagkwentuhan. Na-inggit. Nalungkot. (Blah blah black sheep… )
Kung ipapatimbang ko ang bigat na naramdaman ko ngayon, masisira na ang weighing scale. Oo emo na ko, pilit kong nilabanan pero hindi ako nagtagumpay. Hindi ko alam pa’no malaban ito. (emo na corny pa, san ka pa!)
“Ang pagbibigay ng payo ay parang isang barbero. Mas madaling gupitan ang ibang tao, keysa sa sarili mo.”
Bakit pag sa ibang tao, kapag malungkot sila o may problema, ang dali dali kung sabihin natin sa kanila na... Naku, kaya mo yan. Kaw pa! Huwag ka nang malungkot, lilipas din yan. Huwag kang susuko.
Pero pag sa sarili mo na, pag ikaw na. Sabihin mo mang, kaya mo yan! Ayaw mong makinig, ayaw mong maniwala.
Dahil sa kaemohan ko na yun. Wala naman akong balak na umuwi ng Pampanga after office hours nun, e napauwi akong di oras. Kasi alam kong mababawasan ang bigat na ito sa bahay. There’s no place like Home. At hindi ako nagkamali. 
 
“Kapag may pinagdadaanan ka, daanan mo lang. Huwag kang tumambay.”
Casts:
Princejuno – Emo boy
Cath – College classmate ni Princejuno na isang jejemon
Criselle – College classmate ni Princejuno na may birthday
Bartolome – Kaibigan ni Princejuno na nag-resign


Glossary:
emo -
it is a label people give themselves for being apathetic and emotional to an extreme (usually miserable), but wallowing in it and not wanting it to change. They tend to feel they are misunderstood and that life is not fair to them in specific. It is in fashion with some of the group to cut themselves and wear heavy eye make-up. The hair cuts tend to have awkward sharp angles and are often glossed. Many of the guys wear very tight jeans, often women's. The girls tend to lean more towards late 70's to early 80's fashion.

Thursday, September 9, 2010

Follow me widget: Added

Nacute-an at nainggit ako sa widget na nakalagay sa blog ni kaibigang Rico ng Buco Salad. Kaya naman, ehem! kaway-kaway ka Naruto, nasa blog ko na! :D. Thanks to http://widgetindex.blogspot.com/ for this cool blog widget.

Get one, but before that please obey first Naruto. (kung ayaw nyong makatikim ng sipa at suntok sa kanya... joke! hehehe)


Add me up on your blog list, and please follow be... ill follow you and add you back... promise :)

Blog List Reset: Let's Exchange Links

I noticed that my Blogger Friends list was deleted, only just now.
I don't know how it was deleted, maybe when i reformated my layout.
Apologies my friends.
Please comment here your links with your blog title.
I'll add them up. Add me up too. :)


Thanks,
Princejuno

Wednesday, September 8, 2010

Dropped-out na Terminated pa

Kung sa school, Dropped-out na ko.
Kung sa work, Terminated na ko.
Lagi na kasi ako absent sa Blog ko… :D
In Vraj’s term, major major absent na’ko. (Gets mo naman yan, kung hindi pa, i-google mo… )
Kung hindi weeks, months na ko kung makabisita.
O heto, para lang maka-post, isang walang kwentang post para sayo. :D
Have a nice day, though I had wasted one minute of your time with this nonsense post. hehehe