if i could be any part of you, I'd be your tear. To be conceived in your heart, born in your eyes, live on your cheeks and die on your lips...
if i could be any part of you, I'd be your tear. To be conceived in your heart, born in your eyes, live on your cheeks and die on your lips...
May isang binhi, ang aking itinanim.
Sa isang paso, sa aming hardin.
Yan ay nung araw, na kitay napansin.
Ng ika'y dumaan, at tumingin sa akin.
Araw-araw ko, itong diniligan.
Nilagyan ng pataba, inalagaan.
Habang tayong dalawa'y, nagkakakilanlan.
At umusbong ang isang, pagkakaibigan.
Di nagtagal, nagkadahon narin.
Isa dalawa tatlo, apat lima anim.
Ganoon din ang, pagkakaibigan natin.
Habang tumatagal, lalong lumalalim.
Makalipas ang, ilang mga linggo.
Ang aking halaman, ay nagkakabuko.
Ganoon din ang, damdamin ko sayo.
Hindi nagtagal, nagkakagusto.
Kinabukasan, bulaklak ay bumukas.
Ibibigay sayo, pag aking pinitas.
Kinagabihan, ako ay nagtapat.
Mahal na kita, sinabi ko lahat.
Bulaklak nitoy, unti-unting dumarami.
Bumabango, nakakapagpangiti.
Lalo pa noong, iyong sinabi.
Mahal mo din ako, binigkas ng iyong labi.
Ilang mga araw, akin ay nakalimutan.
Na diligan, ang aking halaman.
Dahil sa dami ng, pinagkakaabalahan.
Pati ikaw tuloy, sa akiy nagdamdam.
Aking napuna, itoy nalanta.
Ilang mga dahon, ay natuyo na.
Pati ating relasyon, aking napabayaan.
Inaamin ko, itoy aking kasalanan.
Dahil sa nangyari, kailangang bumawi.
Aking diniligan, umaga hapon at gabi.
Kaya ang gusto ko, kasama ka parati.
Nagtext tumawag, bumisita lagi lagi.
Ngunit parang ngayon ay, nasobrahan naman yata.
Natumba nalanta, sa lambot ng lupa.
Kasabay ng iyong, pag-iwas at pagbabago.
Bakit nagkakaganito, nagkulang pa ba ako?
Sinikap kong itoy, mabalik sa dati.
Muling tumubo, tuluyang lumaki.
Kinausap kita, kung maibabalik pa ba?
Ang sinagot mo lang, wala ng pag-asa.
Hindi ko na, naisalba pa.
Ang dating inalagaan, ngayon ay wala na.
Di na nga yata, magkakaayos pa.
Kaya di na ako, umasa sa wala.
Ang isang relasyon, ay tulad ng halaman.
Panahon at atensyon, ay kinakailangan.
Kulang o sobra, ay dapat ding bantayan.
Iyon ang isa sa ating, dapat matutuhan.
nais ko lamang na ito’y maihatid…sa inyong lahat, mga kapatid…ang tula na may nais ipabatid…ng ika’y mapaisip at magmasid…pakinggan ang inang bayan at ang iyong paligid…
-pj
galing sa isang pinoygrup, ang tula sa baba…ang tula sa taas, ako lang may gawa…hehe
kaya mo kayang basahin, tapusin, at namnamin…kung ang isang tula ay kung para sa iyo ay boring ang paksa?…tula para sa bansa?….
tula ng pagasa...
ang ating kaunlaran,
nakasalaylay sa ating katauhan...
ang tagumpay ng ating bansa,
siguradong matatamasa.. .
bakit di ka tumigil pangsamangdali,
iyong pagisipan at ipagmunimuni. ..
bawat isa tayoy may puedeng gawin,
pagbabago ay ating naisin...
kung ikaw ay sawa na sa iyong paligid,
nagdagdag ka ba sa pasakit?...
na dinadala nating malaking problema,
o ikaw ba ang nagbigay ng pagasa?
alam kong ikaw ay may kakayanan,
na iyong ipaglaban ang ating bayan...
kahit itoy maliit na bagay lamang,
pag nagkapit bisig ito magiging tagumpay...
matuto tayong tumingin sa ating sarili,
at akuin na tayo at may kaparte...
kung nasadlak man ang ating bansa,
tayo ba ay mag ginawa?
wag lang isalang-alang sa pagpili ng presidente,
kungdi pati rin sa pagsaliksik sa ating mga sarili...
tayo ay may puwedeng gawain,
daan ng pagunlad, siguradong tatahakin...
lagi akong umaasa,
isang bukas parating na...
tayo at didinggin ng Maykapal,
sa tamang panahon, sa tamang pamamaraan.. .
para sa inang bayan.
-ang bagong pinoy
wala kayo sa calculator ng lolo ko...hehe a 50 year old calculator, mainly used by banks a long time ago...naalala ko tuloy calculator ko...yan ang best friend ng mga engineers, architects at accountants.... di ba?...hehe
pano kaya kung ito gamit mo ngaun pag nageexam...pag nagtetake na ng board exam...haha kumusta naman iyon...