nais ko lamang na ito’y maihatid…sa inyong lahat, mga kapatid…ang tula na may nais ipabatid…ng ika’y mapaisip at magmasid…pakinggan ang inang bayan at ang iyong paligid…
-pj
galing sa isang pinoygrup, ang tula sa baba…ang tula sa taas, ako lang may gawa…hehe
kaya mo kayang basahin, tapusin, at namnamin…kung ang isang tula ay kung para sa iyo ay boring ang paksa?…tula para sa bansa?….
tula ng pagasa...
ang ating kaunlaran,
nakasalaylay sa ating katauhan...
ang tagumpay ng ating bansa,
siguradong matatamasa.. .
bakit di ka tumigil pangsamangdali,
iyong pagisipan at ipagmunimuni. ..
bawat isa tayoy may puedeng gawin,
pagbabago ay ating naisin...
kung ikaw ay sawa na sa iyong paligid,
nagdagdag ka ba sa pasakit?...
na dinadala nating malaking problema,
o ikaw ba ang nagbigay ng pagasa?
alam kong ikaw ay may kakayanan,
na iyong ipaglaban ang ating bayan...
kahit itoy maliit na bagay lamang,
pag nagkapit bisig ito magiging tagumpay...
matuto tayong tumingin sa ating sarili,
at akuin na tayo at may kaparte...
kung nasadlak man ang ating bansa,
tayo ba ay mag ginawa?
wag lang isalang-alang sa pagpili ng presidente,
kungdi pati rin sa pagsaliksik sa ating mga sarili...
tayo ay may puwedeng gawain,
daan ng pagunlad, siguradong tatahakin...
lagi akong umaasa,
isang bukas parating na...
tayo at didinggin ng Maykapal,
sa tamang panahon, sa tamang pamamaraan.. .
para sa inang bayan.
-ang bagong pinoy
No comments:
Post a Comment