Bago basahin kailangan ang matinding meditation, katahimikan ng puso at isipan...hehe
Bakit kaya ang tawag sa tagalog ng Holy week ay mahal na araw?
Hindi ba dapat, banal na linggo? (corny...)
Kung mahal na araw, isang araw lang tinutukoy, at anu naman kaya sa pitong araw ang tinuturing na mahal? (hehe)
Kung papipiliin ka anung araw ang pinakaimportante?
Ang daming tanong no? (oo nga..)
Bago mo sagutin yan, dapat alam mo din kung bakit may holy week. (o serius na...)
Holy week. Hindi lang para magkaroon tayo ng mahabahabang araw para magbakasyon, para magouting, swimming, o magsaya kundi dahil para makapagnilay nilay, makapagisipisip, at alalahanin ang kadakilaan, kabutihan, sakripisyo at pagmamahal ng ating nagiisa at pinakamamahal nating Jesu Kristo.
Huwag mo nang sagutin ang tanong ko sa taas, ang mahalaga, alam mo kung bakit may Holy Week.
Gaano kaimportante sa bawat tao ito, sa iyo at sa buhay mo.
Simula palm sunday hanggang easter sunday, ay mahalaga, sa pagtupad ng mission ni Jesu Kristo.
Walang Easter sunday kapag walang good friday.
Sadyang kahangahanga ang kabutihan ng Ama na ibinigay Nya ang Kanyang bugtong na Anak, para tubusin tayo sa kasalanan.
(John 3:16)
Sana'y naging isang makabuluhan ang nagdaang Holy Week na ito sa iyo, para magisipisip, magbago, at magbalikloob sa Kanya.
Di bale, hindi naman huli ang lahat.
Kahit hindi Holy week, pwedeng alalahanin ang dakilang ginawa ni Jesu Kristo para sa atin at muli o manatiling sumunod sa Kanya.
No comments:
Post a Comment