Billiards and Bowling Tournaments' registration starts.
Yan ang pinost sa bulletin board at sinend sa email ng HR namin.
After marecieve ang email dahil gusto sumali at para maexperience ang indoor sportsfest ng company, agad agad akong nagyaya at nagpilit sa mga kasama kong NCG4(short for new college Graduate batch 4 na tawag sa mga bagong hire na graduate sa Company namin).
Niyaya ko silang sumali sa bowling tournament, kahit parepareho kaming di ganun karunong sa bowling. Yung iba, once lang natry, ung iba naman never, ako sa PE nung college ako nakapaglaro.
Medyo kamiss magbowling kasi last 3 yrs na ata iyung lumipas nung last ako magbowling.
Ayun kaya pursigidong makasama sa 20 teams consisting of 5 members with a minimum of 1 girl in a team.
After madugodugong pagyaya, sa wakas! Nabuo din ang team namin! Yehey!
Hapon na ako nakapagemail sa HR para isubmit ang list of members with t-shirt sizes and shoes. Yes! Free shirt! Pati shoes kaya? Haha
1 araw ang lumipas, nalaman namin, pang 23 kami sa list. Kaya nasa waiting list pala kami, haay! Anu ba yan!
Praktis kami ng kami, pang 23 kami... But tomorrow is another day. (parang ito iyong commercial sa TV ah...Hehe joke lang iyung praktis ng praktis...Wala nga kaming kapraktis praktis...Hehe)
waiting list palang pala kami, kailangan daw naming maghintay na may magbackout.
Parang ang sama naman pag pinagpray mo na may magbackout. Bakit hindi nalang takutin ang mga team na nasa list? Para sure! Haha
ayun, dina nagexpect na makasali, pero hoping parin. 3 teams lang na magbackout, pasok na kami. 1day before the tournament, pinost at inemail ng HR, ang final list at waiting list. Andun parin kami sa waiting list, pero pinapapunta kami sa place.
Kinabukasan, 9 am ang start time, 930 kami nakadating, as usual, di pa nagstart, Filipino time, haha.
Kainggit, nakatshirt na kasi mga nandun nung free shirt at nakabowling shoes narin.
Sabi ng HR, madami daw hindi makakadating, kaya makakasama kami. Yes! Buti naman! Hehe
Heto na, tinatawag na mga teams na di complete, dahil kaming nasa WL ang pupuno, in short, panakip butas, panapal...Haha
ayus lang.
Heto na, ako na, haha, nasali ako sa wakas!
Nasali ako sa team, na hindi ko kilala mga kateam ko. Pero ayus lang! Mababait naman sila, winelcome naman nila ako.
Medyo hiya ako, baka ako ang dahilan ng pagkatalo nila, haha.
Pero sabi nila, for fun lang to, wag siryosohin.
I just want to acknowledge or thank the company for this kind of event, where in it provided all the needs for this event, including the rent of the bowling lanes and shoes, with free meal and snacks! Naks! Bait talaga ng company, though recession times, still provided fund for this, provided a chance for the employees to get more bonded. (kailangan bang English?…hehe)
Which is true naman, ang saya ng event! Sobra, kahit 4 rounds of games na tuloy tuloy na hagis ka ng bowling ball na may bigat na 1 -3 kilos.
Ang saya talaga, nakabonding ko mga taong di ko kadepartment.
Kumusta naman ang aking
score, di na masama...Haha
dina nakakahiya, nakakastrike ako at spare in fairness...Hehe.
95 95 102 124 ang score ko sa apat na game, di ba may improvement..
Ayus na yan. Nung palang pang 2nd game, umalis yung dalawa naming kasama, kaya 2 blind score ung score nila sa succeeding game. Aniways, dinaman kami naghahangad na manalo.
After the 3rd game, nasa pang 7th place pa pala kami, pwede! Kahit 3 nalang kaming naglalaro sa team. Haay! Hindi na namin hinintay ang result, bumaba na kami, sakit na ng braso, balikat, kamay at binti sa kakahagis ng bola at gutom narin kami.
Ang saya talaga! Nice experience talaga! Doon ko nakita, ang kakaibang bonding ng mga employees ng company, walang super2visor, walang bossboss, walang opeoperator, walang engiengineer. Pantay pantay! Ang saya!
[^^,]
No comments:
Post a Comment