Search The Net

Wednesday, August 5, 2009

Goodbye President Cory


Umulan ng dilaw na luha

Pumatak at dumaloy ng kusa,

Hindi lang sa mata nagmula

Kundi pati sa puso ng nagkakaisang bansa.

Hindi man ako naging saksi sa mga nagawa ni Pangulong Corazon Aquino para sa mga Pilipino at sa Pilipinas noon, ramdam ko ang halaga nya sa bawat Pilipino ngayon. Dahil sa kanya nakamit muli natin ang demokrasya. Siya ay naging isang mabuti, mapagmahal at tapat na pangulo. Kaya naman sa kanyang pagkawala marami ang lumuha at nagdalamhati.

Ang pangyayaring ito na kaya ang magmumulat at manggigising sa mga nagtutulugan at nagbubulagang mata ng mga Pilipino?

Nagkataon o sinadya ng pagkakataon ang pangyayaring ito?

Isa sanang katulad ni Pangulong Cory ang iluluklok ng mga Pilipino sa pwesto ng pagka-Pangulo sa darating na eleksyon. At sana’y tularan sya ng mga tatakbong kandidato.

Ako Mismo ang magboboto ng karapatdapat na mga kandidato, patnubayan sana ako ng Panginoon.

President Cory, hangga’t kulay dilaw ang araw mananatili ka sa puso ng bawat Pilipino.

2 comments:

Rej said...

gusto ko yung AKO Mismo advocacy mo. sana pag dating ng election yan ang maging sambit nating lahat.

princejuno said...

thanks rej...

oo nga sana ganun nga taung lahat pagdating ng election...

goodluck sa pilipinas...