Search The Net

Monday, October 12, 2009

Kala ko totoo


nabasa ko ang blog entry ni pareng kheed na tungkol sa panaginip.
bigla ko tuloy naalala ang panaginip ko kaninang madaling araw.

kagabi, matapos ihanda ang aking gamit dahil kinabukasan balik cavite na naman, nagalarm ako ng celphone na 3 sunod sunod na
alarm, (1 min interval, para sure na magigising ako, mahirap na baka hindi marinig at magising, malelate or worst di makapasok ng work.)

1130pm na siguro ako nakatulog matapos manuod ng PBB.[^^,]
3:10 3:11 at 3:12 ang alarm ko,
pero past 1am palang nagigising na ako.
ilang ulit akong nagising ng advance sa alarm ko,
2am nagising ulit, chineck ang time, tulog ulit.

hanggang...
nagising ako...
naku!!!...maliwanag na sa labas,
mukhang pasikat na ang araw...
wahhh!!...
di ako nagising sa alarm ko.
sabay tingin sa celphone, 530am na...
e dapat 345am nakaalis na ako sa amin, para hindi malate sa work.
e mukhang hindi na ako makakapasok...
lumabas ako sa bahay.
tumingin sa daan.
tumingala sa langit at nagandahan sa liwanag ng umaga.
kulay asul na langit at malabulak na ulap ang nakita ko.
ang lamig pa ng simoy ng hangin, talagang magpapasko na.
bumalik ako sa loob ng bahay at nagdesisyon na magleave na lang, tutal anong oras na, di na ako aabot.
ayun...
dahil antok pa, nahiga ako at natulog.
at mabilis na nakatulog...


tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....
tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....
(alarm ng celphone ko)
nagising ulit ako, tiningnan ang oras at 3:10am palang...
bangon agad ako. panaginip lang pala yung kanina? buti na lang.
parang totoo talaga yung panaginip kong yun.

kaw naranasan mo rin bang parang totoong totoo ang panagiip mo?...

No comments: