Ina, nay, nani, nanay, ima, ma, mama, mommy, mamita, mamu, mother, mudra, ermat,
Ano pa ba?...(aminado ako, medyo galing iyan sa commercial ng Alaska, ung kay Ms. Maricel Soriano…hehe)
Ilan lang iyan sa tawag natin sa ating mga nanay. Iba iba man ang tawag, pagkakabigkas, o lenguwaheng ginamit, isa lang ang ibig sabihin, ang kaisaisang taong nagsilang sa atin, nagmahal, nag-aruga at nagpalaki sa atin.
Iyan din marahil ang unang salitang nabigkas natin nung baby pa tayo. Iyan din ang unang salitang binabanggit natin kapag may kailangan tayo, nasasaktan tayo at pag gutom tayo.
Di ako sang-ayon sa mother’s day, (wala lang gusto ko lang kumontra..hehe) hindi dahil ayaw kong merong Mother’s day, kundi dahil “everyday is mother’s day”.
Bakit? Kasi wala namang pinipiling araw ang ating mga nanay na para alagaan tayo, mahalin tayo, pagsilbihan at ingatan tayo diba?
Sabi nga ang pagiging nanay ay walang kapantay o katulad sa kahit ano mang trabaho sa mundo.
Walang dayoff. Walang hinto. Walang time-out. Walang pahinga. Walang sweldo. Walang kapalit. Laging overtime. 24x7. 7 days a week. 365.242199 days a year. (O eksakto pa yan..hehe).
In short for Lifetime yan. Galing nila no?...
Kaya dapat kahit sa simpleng paraan natin, ibalik natin sa kanila ang pagmamahal na ibinibigay nila sa atin. Kahit gaano pa iyan kasimple, mahalagang ipakita at ipadama natin sa kanila na mahal na mahal natin sila, hindi lang kapag mother’s day kundi dapat everyday.
Tama ba?
No comments:
Post a Comment