-KABANATA 1-
Monday.
Leave ako.
Kaya tomorrow pa ako pasok.
Gaya ng dati, night before ako balik ng Cavite,
hinahanda ko na gamit ko, para kinabukasan, ready to go na ako.
Gaya ng dati, nag-alarm ako ng 3:00am at 3:01am at minsan may 3:02am pa…para sure na magigising ako…hehe
12midnight na rin ata ako nakatulog.
Nanuod pa ng TV.
(…Comment lang ako sa Korean F4. Yung new Asianovela sa kapamilya station.
Nice at kakatuwa. Ewan ko kung mas maganda ito keysa sa original, di ko kasi napanuod iyung mga dati…-nakapagcomment pa ha?...hehe)
O iyun, after manuod ng TV, sinet na ang alarm.
Nakatulog.
Nakatulog ng mahimbing.
Mahimbing talaga.
Dahil hindi ko narinig ang ALARM!!!..waaaaahhhhhh!!!!!!!!
Hindi ko matandaan kung nagising ba ako at nakatulog ulit.
O mahimbing lang talaga ang tulog ko.
3:50am!!!
E dapat ang gising ko ay 3am!
Naku!...matutuloy na ata ang late ko dati.
Magkakalate na ata ako.
4:30am na ako nakasakay ng bus.
E dapat nasa Pasay na ako ng 5:50am.
Hindi ko alam paano ipapabilis ang drive ng bus para makahabol sa service sa Pasay para hindi malate.
Heto na naman ang STRESS!!!...
Nafifeel ko na naman…
-KABANATA 2-
Dapat 5:30 nakasakay na ako ng LRT.
15 mins pa kasi ang mula Doroteo Jose Station hanggang Pasay.
Kaso dumating ang bus sa LRT Station ng 5:45am.
Naku hindi ko na maabutan.
Palagay mo?...
3 Stations pa bago Edsa Station, (doon ako bababa, tas maglalakad pa ng mga 5mins, pero baka tatakbo ako para 2 mins na lang….)
2 stations na lang, kaso 5:55 na, mga 3 mins pa.
Sana malate na lang ang pagdating ng shuttle, iyun na lang ang pagasa ko.
EDSA station na.
Hindi ko alam paano bilisan ang takbo ko…
Pagkabukas ng pinto ng LRT, mabilis akong bumaba.
Naglakad ng mabilis, ilang tao din ang nabangga ko.
Bumaba.
Nagmamadali.
Tumatakbo.
Lumilipad.
Ayan na malapit na ako.
Andyan pa kaya ang service?...
NAKU!!!... Wala na!!!
Malelate na ata talaga ako…
-KABANATA 3-
Nag-isip.
Teka.
May isa pa akong pag-asa.
(Minsan kasi, natatraffic kami sa palabas ng Manila, humihinto ng 30 mins ang mga sasakyan sa may malapit sa Manila Bay… iyun na lang ang pag-asa ko)
Sumakay ako ng Ordinary bus.
Buti nalang umalis agad.
Sa loob ng bus, tinatanaw ko sa harapan ang shuttle bus.
Nagbabakasakali na nasa harapan lang.
Kaso wala.
Malapit na ako sa Traffic area.
Tama!..
Traffic nga!...
Tumigil ang bus na sinasakyan ko.
Iniisip ko kung bababa ako para tingnan sa harapan kung andun ang shuttle.
Hindi ako sigurado.
Nagiisip.
Bumaba ako ng bus.
Bahala na…
Naglakad ako sa mga sasakyan sa harap na nakahinto dahil sa traffic.
Ilang bus na ang nadaanan ko, wala pa rin.
Pagod na, gutom pa.
Hinihingal pa sa kakalakad.
Binilisan ko ang lakad ko, nagbabakasakali paring andun lang ang shuttle. Nakatigil. At hinihintay ako.
Binilisan ko dahil baka matapos na ang 30 mins na traffic at maiwanan ako hindi lang ng shuttle, pati ung bus na sinakyan ko.
Ayan na.
Wala parin.
Lakad ng matulin.
Mukhang wala na ata.
Malelate na talaga ako.
Late na.
Gutom na.
Puyat na.
Pagod pa.
Saan ka pa.
-KABANATA 4-
Sandali lang.
Ano tong nakikita ko.
Yes!!! Parang iyun iyung shuttle ah.
Sana iyon nga.
Lalo kong binilisan.
Tumakbo.
At tumakbo.
Nakita ko plate number.
Yehey!...
Ito nga…
Lumapit ako ng napakabilis.
Mabilis na mabilis!.
Kumatok sa pinto at…
Yehey!...sa wakas tapos na ang Super Duper Hyper with Capital S….for STRESS!!! (capital din kaya ang T R E…hehe)
Minsan pala, kailangan natin sa buhay ng tao ang traffic.
Bakit?...
Dahil sa traffic nakahabol ako sa shuttle.
Dahil sa traffic di ako nalate.
Dahil sa traffic nawala ang stress ko.
(kung iisipin mo, parang baligtad ang nagawa ng traffic sa akin ngayon.)
May good side din pala ang traffic.
Akalain mo iyon?... Mahalaga pala sya sa buhay natin…hehe
Salamat sa Traffic!...
(at syempre Thank God, Siya ang tumulong sa akin para hindi malate ngayon. )
Yehey!
-THE END-
P.S.
1. Dahil sa traffic nakapost ako ng pagkahaba haba…
2. Dahil sa traffic may binabasa ka ngayon…
3. Dahil sa traffic _____ ang araw mo.
a. nasira
b. nagulo
c. nasayang
d. all of the above
No comments:
Post a Comment