temptation is so deceitful at magaling pang tumayming.
isa't kalahating buwan akong nagdiet, dahil sa maniwala kayo at sa hindi mataas daw cholesterol level ko,
yan daw ang sabi ng result ko sa APE(Annual Physical Exam).
Ako nga din di makapaniwala, kaya di kita masisisi...hehe...payat kasi ako...
at hindi lang yan ang nakakagulat, dahil sa dinamirami ng employee ng Analog, sabi ng doctor,
ako daw ang pinaka-mataas na cholesterol level sa kasaysayan ng APE exam dito sa company,"record breaker" kung baga, akalain nyo un?...
syempre di mo akalain yun, lalo na kung di mo ko kilala, or nakita...hehe
239 ang result, e ang sumunod daw 228 lang ata, sa pagkakaalala ko, 220 lang ata ang normal...nanghula?..hehe
isa't kalahating buwan akong hindi kumain ng karne ng pork, beef, madalang sa manok, mga pagkaing mamantika at marami pang iba.
ang hirap, minsan wala kang pwedeng kainin sa mga tinda sa canteen.
ito ang laging present sa plato ko, kung hindi ampalaya, tuna, isda, ginisang gulay...basta isda at gulay, gulay at isda.
ang hirap.
gusto kong tumaba, pero pano kung pinapadiet ka naman?...
ang daming nagpapakapayat, pero ako gustong tumaba pero hindi naman pwede...
kung mahirap magpakapayat, mahirap din kayang magpakataba...
matapos ng consultation kay doc, babalik daw ako after a month.
lumipas ang isang buwan ng pagtitiis, pagpipigil, pagtitimpi. naextend ng 2 linggo.
dahil hintayin ko na daw yung free examination dito sa company.
ayun, naghintay, nagtiis ulit.
sa wakas! bukas na!...
matatapos na!...
bukas na ang retest ko.
heto ang problema,
mamaya nyan kasi, kakain kami sa labas ng mga kadepartment ko, mga workmates.
may magtitreat.
nakakatemp!...
grabe!
bakit?...
dahil ang mga oorderin ay, kilokilo lang naman na sugpo, calamares, tahong, mga seafoods...
grabe, favorite ko...haaaay!...
akalain mo nga naman na, nagkataon pang sumunod sa retest ko sa cholesterol bukas.
after kong kumain ng pampataas cholesterol, kinabukasan magpaparetest ako for cholesterol?...
ang tukso talaga.
magaling umatake
matapos ng isa't kalahating buwan ng pagtitiis sa pagdadiet, bigla biglang ilalapag sa harapan ko ang
mga pagkaing kinasasabikan kong kainin?...
isang araw na lang, humirit pa!...
malalabanan ko kaya?...
ano kaya magiging result ng retest ko?...
5 comments:
parang nakakarinig ako ng isang pamilyar na kanta para sa sitwasyon mo, prince juno...
o tukso! layuan mo ako! hahaha!
kaya mo 'yan. ano ba naman ang isang araw pang pagtitiis? ang mahalaga e mairaos mo na ang iyong physical exam.
goodluck! kaya mo 'yan!
-- hmmm... sa bunganga ba ng buwaya ayaw ng mga dentista? =)
hahahaha...tama ka...
sakto yang kantang yan...
o tukso layuan mo ako...hehehe
kaso....
tinalo ako ng tukso....
hindi ako nakapagpigil....
nakarami na ng kain...hehehe
ang hina ko, tama ka, ano ba namn ang isang araw na pagtitiis...
pero kaso hindi ako nakatiis...hehe
malakas ang kalaban kasi...
hmmmm bunganga ng buwaya ayaw ng mga dentista?....
hmmm....
mali parin rcyan eh...
saan nga ba ang lugar sa pilipinas na pinakaayaw ng mga dentista?
yaan mo balang araw tatama karin...hehe
kailangn lang ng matinding research..hehe
Post a Comment