Search The Net

Sunday, March 8, 2009

Tribute Entry for Kiko






Francis "KIKO" Durango Magalona
Filipino Rap King

Nakakagulat.
Isang nakakalungkot na balita ang aking narinig, nang sinabi ng katabi ko dito sa office na si Francis M. ay wala na.Dahil hindi makapaniwala, search agad sa net about sa news na ito. Hanggang sa masearch ng isa sa mga kasama ko sa isang site na kumpirmado na patay na nga sya, 12:40pm March 07, 2009.

Nakakalungkot.
Nakakapanghinayang lang isipin na isa sa pinakamagaling, pinakamabait at pinakamakabayang kilala ko o natin sa telebisyon ay wala na. Pinakita nya sa lahat ang kanyang pagkaPilipino, pagkamakabayan na sa panahong ito ay tila bihira na lang.

Matapang.
Pinatunayan nya kung gaano katapang ang mga Pilipino na handang lumaban kahit pa sa nakamamatay na sakit na cancer. 08-08-08 noong siya'y madiagnose na may leukemia, cancer of the blood, matapang nyang tinanggap at nilabanan ang sakit na ito. Araw araw siyang naging matatag at malakas para sa pamilya nya at para sa bawat Pilipino.
Nakakainspire.
Naging inspirasyon sya ng karamihan lalong lalo na ng kanyang pinakilala ang mundo ng Rap sa ating bansa. Madaming pinto ang kanyang binuksan sa larangan ng pagrarap. Sya ang kaunaunahang nagpakilala ng rap music sa mga pilipino.
Ipinadama nya sa mga kanta nya ang kanyang mga mensahe naglalayong magkaisa ang mga Pilipino, na ipagmalaki ang Pilipinas. Ilan lamang ito sa mga gusto nyang iparating. Kahit sa tshirt designs na kanyang nilikha, nagawa nyang ipaalala sa mga Pilipino ang pagiging Makabayan, ang ipagmalaki na tayo ay mga Pilipino.

Modelo.
Walang katulad.
Isang mabuting asawa, anak, ama, kaibigan, kapatid at Pilipino.
Isa kang mabuting halimbawa sa lahat ng Pilipino.
Hanga ako.
Saludo ako.
Kiko.

Mabuhay ka sa puso ng bawat Pilipino sa buong mundo.

1 comment:

kheed said...

uo jaypee sobrang kakalungkot nga ang pagkawala ng isang francis m.. sobrang idol ko din sya.. isang saludo para kay kiko..

nga pala, naglipat nga pala ko, dito mo na ko makikita..

http://imnotkheedanymore.blogspot.com