Babala: wag mo nang basahin maiinip ka lang....hehe
Pampanga.
10pm.
di pa ako tulog.
nagplantsa pa ng damit.
at inayos na agad ang gamit sa bag.
para pagkagising.
alis na agad.
9am ang pasok ko sa work sa Cavite.(kumusta naman yun?)
1130pm or 12 na ata ako nakatulog.
aga pa ako babangon.
para lumuwas papuntang Cavite.
sasakay ako ng shuttle bus sa Pasay.(para tipid pamasahe...hehe)
dapat 650am-7am nasa Pasay na ako.
kaya dapat magising ako ng before 4am at alis ako ng 430am to 5am
tantsa ko.
jeep. from sa haus to intersection san fernando, 20mins.
bus. from intersection san fernando to avenida/doroteo lrt, 1hr and 20 mins.
lrt. from doroteo staion to edsa station, 15 mins.
by foot. from edsa station to pickup point ng shuttle, 5 mins.
so aabutin ng 2 hrs.
so dapat 2 hrs before 7, alis nako ng bahay.
dapat before 5 alis nako.
yang tanstang yan, medyo maaga pa ako ng mga 30-40 mins pag mabilis ang byahe.
4am.
umaga na.
tumayo na ako.
440am.
nagabang na ng jeep.
450am.
nakasakay na ng jeep.
510am.
nasa intersection na ako.
nakasakay na ng bus.
515am.
umalis na ang bus.(computed ang time oh..san ka pa!...hehe)
nakatulog ako.
napaidlip.(syempre naman...kulang kaya tulog ko...)
620am.
napagising ako.
naku kaya pala...
with the capital T...
TRAFFIC!!!!!(stress starts...)
layo pa ako...
di ko alam pano icompute ang oras.
kung anong oras ako makakadating sa pasay.(wala ako calculator ngayon eh...)
haaaay...
hindi ako mapakali...(napapaihi na nga eh...)
nagdarasal na...
para di malate...
ngayon ko lang nadatnan ang traffic na ito...
e dati 610am palang, nasa LRt na ako...(naks! ang aga ah...)
645am.
pagkahinto na pagkahinto ng bus.
agadagad akong bumaba.
niready na agad ang lrt magnetic card.
binuksan na agad ang zipper ng bag para sa inspection.
pagkalampas ng inspection.
takbo!...takbo!... at takbo!.
tinakbo din ang escalator.
hinintay ang tren.
nag-abang.
naghintay.
650am.
dumating ang tren.
dalidali rin akong sumakay.
aabot kaya ako?...palagay mo?...(ako kasi kanina pa hindi mapalagay...)
naku! pag hindi ako umabot...
sigurado malelate ako sa work...
(explanation...
pag shuttle bus.
from pasay to company, 1hrs 30 mins.
pero pag hindi shuttle...
bus + jeep + by foot. 2.5 hrs -3hrs.
dahil pag shuttle, mabilis, tuloy tuloy, walang pahinto hinto
para magsakay at magbaba ng pasahero.)
naku!...
anong oras na!!!
655am na...
stressed na stressed na talaga ako.
hindi ako mapakali.
gutom pa naman ako.
baka ganito...
baka ganyan...
anong gagawin ko...
lapit ng mag7am...
haaay...
biglang tumigil ang tren...
SHOCKS!!!
anong ngyayari!!!!
taranta na ako...
voice over: hihinto muna ang tren pansamantala, dahil mayroon pang tren sa harapan...
tumigil sya ng mga 3mins...
7am...
naku!!!
naku!!!
malas!!!
malas!!!
kahit isang segundo hinahabol ko...
tapos bigla nalang titigil ang tren...
haaaay....pag minamalas ka nga naman...
wala akong magawa...
kaya nga gusto ko maging si superman...
para sa ilang minuto lang, andun na ako...
isang lipad lang...
walang traffic...
walang pipigil...(nasali sa usapan si superman...)
705am na...
umaasa pang andun pa ang bus...
kaso...
naku naman...
pagminamalas ka nga naman talaga...
huminto ulit ang tren...
2 stations na lang, edsa station na...
huminto dahil may tren pa daw sa unahan...
5 mins syang tumigil.
710am.
umandar ulit ang tren.
715am.
sa wakas nasa Edsa station na ako...
pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng lrt.
dalidali akong tumakbo.
dala ang bag na mabigat dahil sa lamang damit.
bumaba ng stairs.
takbo...
takbo...
at tumakbo...
takbo ulit...
tumakbo ulit....
hanggang sa malapit na ako sa pickup point.
sa may candy vendor, sa may red restobar, sa may unang kanto.
hiningal ako....
lalo akong nagutom...
habang tumatakbo...
tinatanaw ko ang red restobar...
ang pickup point...
naku....
mukhang wala ng tao...
patay!...
naiwanan na ako ng bus....
anong gagawin ko...
magcocomute??
eh, no choice...
ala nganamang lakarin ko no?...
(sungit na no?...e stressed na eh...)
nagtanong ako sa candy vendor na ale na nakaupo doon na medyo maikli ang buhok...
(inexplain pa talaga...akala ko ba nagmamadali ka)
"dumaan na po ba ang shuttle bus dito?"
sagot nya, "oo kanina pa..."
oo nga naman...
obvious ba?...
anong oras na kaya no...
malelate na ako...
gutom na...
nalate pa...
haaaayy...
kaya ko kaya habulin ang oras?...
sana nasa akin ang kapangyarihan nung Intsik...(intsik ba iyon?...ewan)
iyung sa HEroes...na napapatigil ang oras...
ekaya lang pag tumigil...
haaay...nababaliw na pasensya...
9am dapat nakalog na ako sa logbox.
dapat nasa company na ako...
kaso 720am.
dito pa ako sa Pasay...
haaaay....
wag ko na pahabain pa...
Late na ako kung papasok pa ako...
ang ginawa ko...
tinawagan ko na lang ang boss ko...
buti na lang nasave ko no. nya...
at tinanong na kung pwede ilipat nalang nun ang off ko,
at sinabi ko dahilan kung bakit...
papayag kaya???
ayun...
pumayag sya!...
salamat!...
Thank God! ang bait talaga ni Sir...
haaaay...
nastress talaga ako...
kainis...
ayaw ko na malate...(talaga lang ha...)
first time kong malate...(madami magrereact nito nyan...hehehehe)
first time malate sa work...kayo naman...
oo na...nalelate ako dati sa school...hehe
umuwi muna ako ng apartment.
pero bago iyon, kumain muna ako.
haaaay...
sa wakas!...
napawi din ang gutom...
dumiretso na ko sa apartment pagkatapos...
ayun nagpahinga ng konti.
naghilamos.
at natulog.
at natulog ng mahimbing...hehe
haaay... isa ito sa pinakastressful na araw ng buhay ko...hahaha
kaya ibablog ko ito...hehe
may kokontra?...
No comments:
Post a Comment