Search The Net

Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Wednesday, December 2, 2009

Wish ko sa Pasko

Wish ko sa pasko, sana totoo ng gifts ang marereceive ko, hindi lang mga gifts sa farmville o fishville...hehe [^^ ,]v

Wednesday, November 11, 2009

Pacman as Jan Di and Jun Pyo

Kung si Aling Dionesia sa FHM, si Manny naman sa BOF, as in Boys over flowers...[^^,]
o ano masasabi nyo mga BOF fans? pwede ba?....
hehehe
cute!

FHM Aling dionesia - Next Top Model


Akalain mong natapatan na ni Aling Dionesia si Christine Reyes sa kaseksihan at kaputian?...At mukhang siya na ang next Top Sexy FHM model...(of all time???)
Naku!... huwag ka nang magtaka, promising star talaga si Mommy D. (yan na daw tawag natin sa kanya).
[^^,]

Tuesday, November 10, 2009

Bakit kaya ganun?

Bakit ganun?
one simple paramdam from you,
you made me fall in love again.

malakas ka nga siguro sa puso ko.

sabi ng isip ko,
balewala ka na,
at sabi nya nakalimutan ka na.

pero bakit ganun?
minsan ka lang nagparamdam,
mukhang naging crazy ulit ang heart na ito.
bakit kaya?

bakit ganun?
kahit ilang ulit kong basahin ang text mo,
it made me kilig pa rin.

bakit kaya?
kasi nga... mahal pa rin kita.
alam mo kaya yon?

Tuesday, October 20, 2009

Bangga

Kaninang nagbabyahe ako pabalik ng Cavite,
nakasakay ako ng bus,
first time kong makasakay ng sasakyang bumangga.
grabe! hindi ko madescribe ang pagkagulat ko!
Kinabahan ako ng sobra sa biglang hinto ng bus.

Pansin ko rin na may kabilisan ang pagpapatakbo ng driver.
nasa gitna ang pwesto ko, pero kita parin kung paano inabot ng harapan ng bus ang
likuran ng kotseng kulay blue, honda civic ata iyon.
nagkalat ang mga nadurog na bahagi ng kotse sa daan.

wasak man ang kotse nung lalaki, Thank God walang nasaktan o nasugatan.
ayun, lumipat kami ng bus.

may mga bagay na kahit anong pilit mong iwasan, babangga at babangga pa rin sa iyo.
sabi nga, kung uukol ay bubukol.


kaw meron din bang ganitong experience? share naman dyan...[^^,]

Thursday, October 15, 2009

minsan ganun talaga ang buhay

minsan ganun talaga ang buhay,

kailangan munang
mauntog, masaktan

bago
magising, matauhan

sa
pagkakatulog sa katotohanan...

para maisip lang natin

minsan dumadating tayo sa puntong wala na tayong magagawa, para maisip lang natin na kailangan natin ang tulong Nya..

Wednesday, October 14, 2009

Tama ba ito?

tama nga kaya na
ang mababait na tao ay agad kinukuha ni Lord?....

tama rin kaya na
ang masasamang damo ay mahirap mamatay?

temptation is so deceitful at magaling pang tumayming

temptation is so deceitful at magaling pang tumayming.

isa't kalahating buwan akong nagdiet, dahil sa maniwala kayo at sa hindi mataas daw cholesterol level ko,
yan daw ang sabi ng result ko sa APE(Annual Physical Exam).
Ako nga din di makapaniwala, kaya di kita masisisi...hehe...payat kasi ako...

at hindi lang yan ang nakakagulat, dahil sa dinamirami ng employee ng Analog, sabi ng doctor,
ako daw ang pinaka-mataas na cholesterol level sa kasaysayan ng APE exam dito sa company,"record breaker" kung baga, akalain nyo un?...
syempre di mo akalain yun, lalo na kung di mo ko kilala, or nakita...hehe
239 ang result, e ang sumunod daw 228 lang ata, sa pagkakaalala ko, 220 lang ata ang normal...nanghula?..hehe

isa't kalahating buwan akong hindi kumain ng karne ng pork, beef, madalang sa manok, mga pagkaing mamantika at marami pang iba.
ang hirap, minsan wala kang pwedeng kainin sa mga tinda sa canteen.
ito ang laging present sa plato ko, kung hindi ampalaya, tuna, isda, ginisang gulay...basta isda at gulay, gulay at isda.
ang hirap.

gusto kong tumaba, pero pano kung pinapadiet ka naman?...
ang daming nagpapakapayat, pero ako gustong tumaba pero hindi naman pwede...
kung mahirap magpakapayat, mahirap din kayang magpakataba...

matapos ng consultation kay doc, babalik daw ako after a month.
lumipas ang isang buwan ng pagtitiis, pagpipigil, pagtitimpi. naextend ng 2 linggo.
dahil hintayin ko na daw yung free examination dito sa company.
ayun, naghintay, nagtiis ulit.
sa wakas! bukas na!...
matatapos na!...
bukas na ang retest ko.

heto ang problema,
mamaya nyan kasi, kakain kami sa labas ng mga kadepartment ko, mga workmates.
may magtitreat.
nakakatemp!...
grabe!
bakit?...
dahil ang mga oorderin ay, kilokilo lang naman na sugpo, calamares, tahong, mga seafoods...
grabe, favorite ko...haaaay!...
akalain mo nga naman na, nagkataon pang sumunod sa retest ko sa cholesterol bukas.
after kong kumain ng pampataas cholesterol, kinabukasan magpaparetest ako for cholesterol?...

ang tukso talaga.
magaling umatake

matapos ng isa't kalahating buwan ng pagtitiis sa pagdadiet, bigla biglang ilalapag sa harapan ko ang
mga pagkaing kinasasabikan kong kainin?...
isang araw na lang, humirit pa!...

malalabanan ko kaya?...
ano kaya magiging result ng retest ko?...

Monday, October 12, 2009

Kala ko totoo


nabasa ko ang blog entry ni pareng kheed na tungkol sa panaginip.
bigla ko tuloy naalala ang panaginip ko kaninang madaling araw.

kagabi, matapos ihanda ang aking gamit dahil kinabukasan balik cavite na naman, nagalarm ako ng celphone na 3 sunod sunod na
alarm, (1 min interval, para sure na magigising ako, mahirap na baka hindi marinig at magising, malelate or worst di makapasok ng work.)

1130pm na siguro ako nakatulog matapos manuod ng PBB.[^^,]
3:10 3:11 at 3:12 ang alarm ko,
pero past 1am palang nagigising na ako.
ilang ulit akong nagising ng advance sa alarm ko,
2am nagising ulit, chineck ang time, tulog ulit.

hanggang...
nagising ako...
naku!!!...maliwanag na sa labas,
mukhang pasikat na ang araw...
wahhh!!...
di ako nagising sa alarm ko.
sabay tingin sa celphone, 530am na...
e dapat 345am nakaalis na ako sa amin, para hindi malate sa work.
e mukhang hindi na ako makakapasok...
lumabas ako sa bahay.
tumingin sa daan.
tumingala sa langit at nagandahan sa liwanag ng umaga.
kulay asul na langit at malabulak na ulap ang nakita ko.
ang lamig pa ng simoy ng hangin, talagang magpapasko na.
bumalik ako sa loob ng bahay at nagdesisyon na magleave na lang, tutal anong oras na, di na ako aabot.
ayun...
dahil antok pa, nahiga ako at natulog.
at mabilis na nakatulog...


tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....
tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....tinininininininin!....
(alarm ng celphone ko)
nagising ulit ako, tiningnan ang oras at 3:10am palang...
bangon agad ako. panaginip lang pala yung kanina? buti na lang.
parang totoo talaga yung panaginip kong yun.

kaw naranasan mo rin bang parang totoong totoo ang panagiip mo?...

Thursday, October 8, 2009

Saturday, October 3, 2009

Huli ka

huli ka! akala ko ba, moving on na... e bat panay view mo ng friendster profile niya... at viewing anonymously ka pa... ouch ba?... [Oo .]

Wednesday, September 30, 2009

Pinoy Big Brother Double Up


ano nga bang meron at bago sa PBB season 4 Double up???
hmmm....
hula ko double up kasi, magkasama or sabay na ang celebrity at hindi sa season na to.
magkasama na ang mga artista at ang mga "common people" (pasensya na hindi ko alam ang term na gagamitin) sa bahay ni kuya.
sino kaya ang mga bagong housemates ni kuya?
tama kaya ako?...
kaw ano hula mo?
abangan ang muling pagbubukas ng bahay ni kuya.

Tuesday, September 29, 2009

Instant happiness



minsan kailangan mong daanan muna ang mga bagay na ayaw mo bago mo makuha ang gusto mo.

di masaya ang instant happiness.

boring kung baga.

tama ba?...

Thursday, September 17, 2009

No air talaga

♪♪Tell me how I'm supposed to breathe with no air
Can't live, can't breathe with no air♪
It's how I feel whenever you are there
It's no air, no air ♫♪
Got me out here in the "water" so deep ♫♪
Tell you how i gonna be without you
If you are here, I just can't breathe♪
It's no air, no air
♫♪
No air, air
No air, air
No air, air
No air, air...♫♪....

hirap talaga pag sinisipon, BARADO ANG ILONG...[^^,]

Wednesday, September 2, 2009

saan masusukat ang pinagsamahan?

Hindi sa haba ng pinagsamahan nasusukat ang relasyon mo sa isang tao, kundi sa dalas at lalim ng paguusap nyo tuwing magkakasama kayo.

mahirap maattach ng sobra

Mahirap maattach ng sobra sa mga taong alam mong hindi magtatagal sa tabi mo o aalis din pagdating ng panahon.

Anong scene ka sa buhay ko?

May mga tao na nakikilala natin na pang-isang scene lang sa buhay natin.

Ganun yata talaga, ang mga tao sa paligid natin ay parang mga casts din sa pelikula. Na kung saan ang title ng pelikula ay “My Life” na pinagbibidahan mo. Kaya siguraduhin mong isang major scene ka sa buhay ng mahal mo, kahit isang scene ka lang sa pelikula ng buhay nya.

Wednesday, August 5, 2009

Goodbye President Cory


Umulan ng dilaw na luha

Pumatak at dumaloy ng kusa,

Hindi lang sa mata nagmula

Kundi pati sa puso ng nagkakaisang bansa.

Hindi man ako naging saksi sa mga nagawa ni Pangulong Corazon Aquino para sa mga Pilipino at sa Pilipinas noon, ramdam ko ang halaga nya sa bawat Pilipino ngayon. Dahil sa kanya nakamit muli natin ang demokrasya. Siya ay naging isang mabuti, mapagmahal at tapat na pangulo. Kaya naman sa kanyang pagkawala marami ang lumuha at nagdalamhati.

Ang pangyayaring ito na kaya ang magmumulat at manggigising sa mga nagtutulugan at nagbubulagang mata ng mga Pilipino?

Nagkataon o sinadya ng pagkakataon ang pangyayaring ito?

Isa sanang katulad ni Pangulong Cory ang iluluklok ng mga Pilipino sa pwesto ng pagka-Pangulo sa darating na eleksyon. At sana’y tularan sya ng mga tatakbong kandidato.

Ako Mismo ang magboboto ng karapatdapat na mga kandidato, patnubayan sana ako ng Panginoon.

President Cory, hangga’t kulay dilaw ang araw mananatili ka sa puso ng bawat Pilipino.

Friday, July 3, 2009

4. I know nothing else but love

Boys Over Flowers OST Lyrics

I know nothing else but love

sarangbakken nan molla
(Romaji)

geudae naegyeote seon sungan
geu nunbichi neomu joha
eojeneun ureotjiman
oneureun dangsinttaeme
naeireun haengbokhalkkeoya

eolguldo ani meotdo ani ani
budeureoun sarangmani pillyohaesseoyo
jinagan sewol modu ijeobeorige
dangsin eobsin amu geotdo ijenhal su eobseo

sarangbakken nan molla

**************************************************

I know nothing else but love

(English Translation)

The moment you stood next to me
I liked the ways your eyes looked (at me)
Though I cried yesterday,
today because of you
My tomorrow will be happy.

Neither his face nor his style
I just needed his tender love
To forget all the time that has passed
I can now no longer do anything without you

Cause I know nothing else but love

**************************************************

********************
want to download the song? (.mp3)
post a comment and include your email address so that i can send you the download link.
thank you for visiting!
come again!