Search The Net

Tuesday, October 20, 2009

Bangga

Kaninang nagbabyahe ako pabalik ng Cavite,
nakasakay ako ng bus,
first time kong makasakay ng sasakyang bumangga.
grabe! hindi ko madescribe ang pagkagulat ko!
Kinabahan ako ng sobra sa biglang hinto ng bus.

Pansin ko rin na may kabilisan ang pagpapatakbo ng driver.
nasa gitna ang pwesto ko, pero kita parin kung paano inabot ng harapan ng bus ang
likuran ng kotseng kulay blue, honda civic ata iyon.
nagkalat ang mga nadurog na bahagi ng kotse sa daan.

wasak man ang kotse nung lalaki, Thank God walang nasaktan o nasugatan.
ayun, lumipat kami ng bus.

may mga bagay na kahit anong pilit mong iwasan, babangga at babangga pa rin sa iyo.
sabi nga, kung uukol ay bubukol.


kaw meron din bang ganitong experience? share naman dyan...[^^,]

1 comment:

Brent a.k.a. yourkidatheart said...

been in a tricycle accident on my way home when I was a kid... nasugatan pa ako nun. bumanga sa sasakyan at tumama yung ulo ko sa metal portion ng tryk. the worst accident was a bloody biking accident... traumatized and had been literally scarred for years.