Search The Net

Thursday, May 28, 2009

Ang Sulat ni Berting, Ang Reply ni Bob Ong, at Ang Kaepalan Ko

- ANG SULAT-

Dear Mr. Bob Ong,


Matagal ko na pong nililigawan itong ramp model na stage actress na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one.


Lubos na gumagalang,
-         Berting -

-          


- ANG REPLY -


Dear Berting,


Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at kalachuci mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano'ng era ka ba pinanganak?

(wow!, ouch ba… saan galing ang hopia at santan?..pati iun alam nya?…hehe)


Pero don't worry. It's not too late. May pag-asa ka pa.. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa'yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na lang talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para
di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo 'to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa'yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

(o yan may pag-asa pa pala… utak at creativity na lang ang natitirang pag-asa… kaya dapat galingan mo… in fairness may utak!…hehe [^^,] )


1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box-yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot.. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka.
Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.  Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na "Omega 8." Pag
tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: "because you're good
for my heart."

(suggest ko lang, kakailangan mo ng praktis dito…para mas effective…set ka ng date ng rehearsal nyo…hehe)


2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: "I miss hanging out with you."

(siguro seven na lang na hanger gamitin mo, para sa MON TUE WED THUR FRI SAT SUN… di ba…hehe [^^,] )


3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, "Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa'yo."

(siguraduhin mong hindi gamit ang mga tissue papers na gagamitin mo ha?… dapat kasi pure white, para sign of purity…hehe)


4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung "with Omega 8." Hindi na siya magtatanong kung bakit.

(batukan mo na lang pag nagtanong pa…[^^,] )


5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, "natunaw na kakatitig sa'yo."

(wag nang magtanong…[^^,] )


6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: "Walang kulay ang buhay kung wala ka."

(baka sagot nya, “kulay naman ang black a” …hehe kaya suggest ko hanap ka ng transparent para safe)


7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit. (para sa mga hindi maka-"gets", kapag tinanong ka, ang sagot mo ay, "sapagkat, ikaw lamang ang tanging ilaw at liwanag sa buhay ko", o kaya naman ay, "you light up
my life"...

(mas romantic, dalhin mo na lang sa Lighthouse… di ba di ba?…hehe [^^,] )


8. I-text mo siya ng: "Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!"

(siguro wag na to, nagamit na ni John LLoyd to sa Greenwich commercial eh…hehe [^^,] )


9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo "para pag nagkabanggaan ang puso natin.."

(ok…[^^,] )


10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: "Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa'kin."

(heto try mo din…may hawak kang enervon c tablet kunwari itatapon mo sa harapan nya, sabay sabihin mo, “hay!…aanhin ko na man ito, e ikaw naman ang happiness ko!”…di ba? pamatay…hehe…)


11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

(siguraduhin mong wala sya sa loob no… kasi sayang ang effort pag hindi mo nabigay ang card mo, wala ng magbabasa…hehe [^^,])


12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

(perfect match!…[^^,])


13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami.. Pag nagtanong bakit? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

(life vest gusto mo?…para sosyal ng konti..hehe [^^,])


14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na "don't leave your valuables unattended"

(posasan mo na kaya…para di na makawala pa…[^^,])


Handang tumulong lagi,


-Bob Ong-

o kayo… may ibang banat ba dyan??? baka makatulong kayo kay Berting….hehe

tulungan natin…[^^,]

9 comments:

kheed said...

hahaha si bob ong talaga, patawa!

wui naka based ako dito, wala bang premyo? hehe

kheed said...

naka based akko, wala bang premyo? haha

taenang berting yan, ang laki ng problema uh..

kamusta ba si jaypee? mukhang sobrang busy uh.

J.D. Lim said...

Muntik na akong mahulog sa upuan sa kakatawa, hahahaha.. :D Dpat pala ganun ginawa ko para sinagot ako nung niligawan ko dati. :P

Rcyan M. said...

Ang cheesy! (Haha! Ala mga extras sa commercial ni John Lloyd at Bea sa Greenwich.) (--,)Y

princejuno said...

hahaha...
ya nga...
wala sa mga banat ni john lloyd sa mga ito...hehe


super cheezy talaga!....[^^,]
hehehehehehe

princejuno said...

@ J.D.
muntikan lang ba...ako hulog na hulog...hehehe

oo nga...
dapat ito mga ginawa mo noon...
para sagot agad xa...[^^,]

princejuno said...

@kheed...

busy nga...hindi halata...
nganun palang nakareply dito...hehe

heto aus pa naman xa...

princejuno said...

thanks sa pagbisita...[^^,]

JOSHMARIE said...

haha. nice!