Search The Net

Saturday, January 17, 2009

Unfair ka♀♂

(nagkasalubong)

Uy!

(tumalikod. huminto. lumingon.)
Ako?

(tumango)
Oo ikaw!

Bakit?

Pwede ba tayong mag-usap?

Ano naman pag-uusapan natin?

Wala lang, usap lang tayo?

Gusto mo akong makausap, pero wala naman palang pag-uusapan?! Ano un?... Ge! Bye!
(tumalikod. naglakad.)

(napasigaw)
Sandali lang...

(huminto. humarap.)
O ano?

Iniiwasan mo ba ako?

(nagulat)
Ha?!

E para kasing iniiwasan mo ako e.

Hindi a. Bakit naman kita iiwasan?

Ewan ko sa iyo.

(nanahimik)

O sige alis na ako. May pupuntahan pa ako e.

O tingnan mo.

Ano? Nagmamadali lang talaga ako.

E bakit ka naman nagmamadali?

Bakit mo naman tinatanong?

E bakit ako, nagmamadali rin naman a.

O e iyon naman pala!

Nagmamadaling kausapin ka!

Ha?! O bakit ka naman nagmamadaling kausapin ako?

Hindi pala ako ang nagmamadali.

E ang gulo mo namang kausap! Sabi mo kanina nagmamadali kang kausapin ako, tapos ngayon... Hay! Ang gulo mo!... So hindi ikaw?

Oo, hindi nga ako.

O sino?

Gusto mong malaman kung sino?

Sino nga? O bakit ka ganyan kung makatingin? Ok ka lang ba?

Oo ok pa naman ako. Pero merong hindi ok.

(tumingin)
Sino naman?

Yung nagmamadaling kausapin ka.

Sino nga iyon?

O, wag kang magmadali, malalaman mo rin.

Bahala ka na nga. Alis na ako.
(tatalikod na sana.)

Teka lang! Heto na kakausapin ka na nya.

So asan sya?

Sandali lang. Kumukuha lang ng tiempo.

(nainis na.)
Sabihin mo sa kanya nagmamadali talaga ako, kailangan ko nang umalis.

Nandito na sya.

(tumingin)
O, asan? Asan sya?

Hmmm...
(tinitigan)

Huwag ka ngang tumingin sa akin ng ganyan.

Bakit naman?

Wala lang. Para kasing..

Parang ano?

Hay, wala.

Wala naman pala e. So, pwede na ba?

Hay, ewan ko sa iyo! Alis na talaga ako. Bye!
(tumalikod. naglakad. at naglakad.)

(sumigaw.)
Sandali lang!
Ikaw a!
Lagi ka namang ganyan!
Lagi ka namang umiiwas!
Kung iiwasan mo naman ako, pwede bang mag-request?
Pwede ba iyong hindi halata?
Alam mo ba kung bakit?
Na..
Na..
Nasasaktan ako!
O siguro di mo alam iyon no?!
Gusto mo sabihin ko sa iyo ngayon kung saan ako pupunta.. Saan ako dadaan bukas? Para di ka na mahirapan umiwas pa sa akin.
O sige para mas madali sa iyo, wag nalang ako lalamabas bukas!
Nanahimik ka na naman.
Ganyan ka naman lagi e.
Sabihin mo nga. Ano bang ginawa ko? May sinabi ba akong ikinagalit mo?
O may nagawa ba akong masama sa iyo?
Para matapos na, suntukin mo nalang ako! Tadyakin!
Sipain!
Alam mo na siguro kung bakit kita gustong kausapin no?
Alam mo na rin siguro kung sino nagmamadali?
Oo, hindi ako dahil ang puso ko ang nagmamadali,
nagmamadaling kausapin ka!
Suntukin mo na nga ako!
Suntukin para maknockout na ako!
Ayaw din kasing maknockout nitong damdamin ko. Ang damdamin ko para sa iyo!

Kaya siguro nasa loob ang puso, kasi kung nasa labas lang, dati ko pa sinuntok!
Baka sakaling maknockout na sa kakasabing..
Mahal kita!

O yan! Wala ka na namang reaksyon.
Gusto mo ulitin ko pa?
Oo mahal kita! Mahal kita!
Mahal na mahal!

O narinig mo na.
As usual.
Wala ding reaksyon.
Hindi mo ba napapansin iyon?
O sadyang binabalewala mo lang?

Ewan ko ba!
Nagtaka nga rin ako!
Di ko namalayan, mahal na pala kita.
At bakit ikaw.
Bakit ikaw pa!

Sigurado, ngayong narinig mo na, lalo mo na akong iiwasan.
Ok lang.
Ganun din naman mangyayari e.
Sabihin at hindi ko sasabihin, ganun din mangyayari.
Nakukulitan na kasi ako dito e. Gusto ka talagang kausapin.
Iniiwasan mo naman.

Meron kayang sleeping pills para sa puso lang?
Kasi, ayaw matulog nitong nararamdaman ko para sa iyo.
Kahit tulog na tulog na ako, gising na gising parin ang puso sa kakasigaw na,
mahal kita ng todo!

Ewan ko ba, kahit ayaw ko, pumapasok ka pa rin sa puso ko.
At sa pagpasok mo, hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Kasabay kasi ng pagpasok mo, sumasaya ako.. At kasabay rin nito, nasasaktan din ako!

Sa iyo ba, kahit minsan ba, pinapasok mo ako dyan sa puso mo?
Ni minsan ba, pinadaan o pinasilip man lang?
No ID No entry ba dyan sa puso mo?!
Pahiram naman ng isa o, kahit temporary ID lang.
Isang beses lang o, masaya na ako. (broom)
Sasaya na ulit itong puso ko.
(nanahimik.)

(broom!)

Ok ka lang ba dyan?
At bakit ka pala dyan huminto? (broooom!!)
Tumabi ka nga dyan!
Tabi!
Tabi!!!
Tabi!!!! (brooooom!!!)

(bangga! tumilapon! wapak!!!)
(sumigaw!)
Hindi!!!
(tumakbo. lumapit. niyakap.)
Waaaaah! Yan ang mahirap sa iyo! Unfair ka! Ako iniiwasan mo, buti pang kotseng dumaan hindi!!!
Unfair ka! Unfair!

(nakahiga. duguan. walang malay. may hawak na sulat.)

(umiiyak. napansin ang hawak na sulat. binasa.)

---to be continued(joke!...hehe)

Saturday, January 10, 2009

THE TREE HOUSE PAGE 12

Mike: Wala naman. Anong itatanong naman nya?
Vince: (Buti naman) A wala, akala ko kc...
Mike: Anong akala mo na tinanong nya? A tinanong pala nya na...
Vince: (biglang kinabahan) na...
Mike: na...
Vince: na ano?!
Mike: na... O relax lang.. Tinanong nya na...
Vince: tinanong nya na?!!
Mike: tinanong nya na bakit ka pa daw umalis..
Vince: ah.. (nakahinga)
Mike: at tinanong din nya na...
Vince: (kinabahan ulit) may pahabol pa? o ano pa?
Mike: Ewan ko don bat tinatanong nya na kung may pumasok daw ba sa CR sa taas.
Vince: (patay! Pinagpapawisan.. Nanahimik.)
Mike: e sabi ko, ikaw.
Vince: ha??!! Bat mo naman sinabi!
Mike: o teka! Wag ka magalit! Relax lang... Ito naman.. Nakadrugs ba kayo ni Cris?Haha
Vince: pasensya na.. Hehe
bakit naman.
Mike: e pano kaya sinasagot ko lang tanong nyo, kung makareak kayo parang katapusan na ng mundo. Haha
Vince: haha. (baka magtaka pa lalo si Mike. Maiba nga usapan) Bukas pala, organization festival.
Mike: So ano naman?
Vince: ayaw mo ba sumali sa mga org?
Mike: A e.. Wala ako panahon sa mga ganyan.
Vince: a bahala ka, mas madami tayo makikilalang mga chicks nun. Ge ako nalang. Haha
Mike: heto naman. Nagjojoke lang ako. Syempre! sama ako dyan.
Vince: kaw talaga! Basta babae!Hehe
Mike: hindi naman masyado. Haha. Gusto mo ngayon na tayo paregister?Hehe
Vince: O wag ka excited. Bukas pa.
Mike: Yayain natin si Cris, baka gusto non.
Vince: Wag na! (nabigla)
Mike: bakit naman.
Vince: ibig ko sabihin, baka di sya mahilig sa mga orgs.
Mike: pano mo naman nalaman?
Vince: syempre kakadating lang nya sa Pilipinas, (ano konek)
Mike: sa bagay.. Baka nga.
Vince: (aba! buti naman sumang-ayon) Basta bukas text text nalang, para sabay tayo paregister no.
Mike: oo sige. Mga afternoon nalang.
Vince: ay oo tama. May pasok ako ng umaga.

Monday.
Umaga.
Nagkita sina Mike at Cris sa Registrar Office.
Mike: O cous, buti andito ka?
Cris: A Wala, tinatapos ko lang enrolment ko.
Mike: Ah, di ka pa tapos.
Cris: Yup! O you why are you here cous?
Mike: May mali lang kasi sa ininput na subject, buti nalang napansin ko, kundi papasukin ko.
Cris: ah, where is vince?
Mike: pumasok na yata. (tinawag na si Mike) o sige Cris. Maya nalang.
Cris: ge cous! See you around. Pasok na rin ako.

THE TREE HOUSE PAGE 11

Sa bahay nina Michael.
Sa baba. Bumaba na rin si Cris.
Tita Mirene: O Cris kain na tayo.. Ay teka, sandali akyat lang ako sa taas.
Cris: Opo... O pinsan.. Where is Vince?.. Akala ko ba he is here with you?...
Michael: Oo nandito sya...kanina.. Ayun.. Bigla bigla na lang umalis.. Ang tagal mo kasi e.. Tagal mong naligo.
Cris: No.. 30 mins nga lang e.. Nakakahiya kasi sa inyo.. Baka hinihintay nyo na ako..
Michael: A tumawad ka pa pala noon no? Nahiya ka pa..
Cris: Yah! B.T.W... As in by the way, Are you the one who entered the CR a while ago?
Michael: Engliserang to... Hindi pa nga ako umaakyat e...(naalala si Vince) A si Vince umakyat kanina... Bakit?...
Cris: Pumasok sya sa CR?
Michael: Oo... Umakyat nga siya sa kanina... E ano naman?...
Cris: Waaaah...(sumigaw at tumakbo papaakyat sa taas)
Michael: O napano ka? Saan ka pupunta?
Tita Mirene: (pababa naman ng hagdanan) O Cris.. Bat kapa aakyat kakain na.. (kay Michael) napano iyon.
Michael: Ewan ko po doon..

Sa kwarto ni Cris.
Cris: (nakaharap sa salamin)Waah... That guy... Nakita nya ako... Naliligo... Waah... (sabay yakap sa sarili) Humanda iyon... Hindi kumakatok... Waaah... Nakita nya lahat sa akin... Waaah...
No! This is not true!...

Sa baba.
Tumatawag sina Michael at Tita Mirene.
Mike: Cris, baba kana dyan, kain na tayo. Nagugutom na ako.

Sa labas.
Vince:(hiningal sa kakatakbo) Hay! Pano pa nyan ako haharap sa pinsan ni Mike? na babae pala??... Nakita kaya nya akong pumasok sa banyo. At napansin kaya nyang nakita ko syang naliligo? Anak ng pitumputpitongputingtupa o, nagkaproblema pa ako. Sigurado malalaman din nya.
Di ko naman sinasadya e. Nakabukas ang pinto, kaya pumasok ako. Naku naman, bat pa kasi nangyayari ito.

Kinabukasan.
Sa boarding house.
Michael: (napansin si Vince na nananahimik) Vince asan ang lamay?Hehe
Vince: Anong lamay?
Michael: Ito naman! kagabi kapa nananahimik ah? Di ako sanay.
Vince: Wala ito. May iniisip lang.
Michael: Ang lalim ata ng iniisip natin a. Baka malunod ka dyan..Haha
Vince: Malunod? (naisip iyong nangyari kahapon...Naliligo...) may tinatanong ba pinsan mo sa iyo? Kahapon?

Sunday, January 4, 2009

Tatlong shot

Tatlong shot lang knock out na ako.

Isang shot ng tingin mo.
Isang shot pa ng ngiti mo.
At sa isang shot ng halik mo.

Sa tatlong shot na ito,
lasing na ako.
Knock out na ako.
Nasa langit na nga ako.

popcorn at mmk

Walang totoong pagibig na hindi marunong maghintay ng tamang panahon.


-popcorn at mmk
-agree!!!

A Time

A Once Upon A Time
Can happen anytime.
It may not be this time.
Just wait for the right time.

But sometimes...
You have to wait a lifetime.

move on and let go

Ano kaibahan ng pusong nagmomove on,
at ang pusong naghohold on kahit alam na wala nang pagasang bumalik pa sa dati?


Ang nagmomoveon,

parang nasaksak ka ng kutsilyo,
at tinanggal sa pagkakabaon.

oo masakit
pero dadating ang panahon,
maghihilom din ang sugat.

Ang naghohold on,

sinaksak ka na,
diniinan mo pa!

habang tumatagal, humahapdi.
habang binabaon, sumasakit.
hanggat di mo tinatanggal sa pagkakabaon ang kutsilyo,
wala itong pagasang gumaling.
habang lumalalim, tumatagal din ang paggaling.

Ipon

Iniipon ko na lang ang mga alaalang kasama ka,
Dahil mamayamaya magkakahiwalay na.

Kahit man lang sa mga naipong alaala,
May pagasa pa ang puso na lumigaya.

See and Hear

Sometimes...

You can see more clearly when your eyes are closed.

You can hear more deeply when you listen in silence.