Search The Net

Thursday, June 4, 2009

Kwentuhan muna tayo habang umuulan

Tag-ulan na naman.
Ilang araw ng umuulan.
Pasumpong-sumpong ang buhos.
Kainis!
Naiwan ko ang payong ko sa Pampanga.
Kaya pag uwi galing work, at naabutan nang ulan…
Ayun…Basang sisiw ako!..[^^,]
Lalo na pag sobrang lakas.
Kawawa ako.

Tag ulan na!
Malamig na!
Masarap ng matulog mapa hapon umaga lalo na pag gabi.
Katamad tumayo sa umaga lalo na pag sobrang napasarap ang tulog mo no.
Katamad bumangon.
Katamad pumasok.

Tag ulan na, yes!.
Maraming nagdarasal na estudyante nyan na sana umulan.(wala pa masyado, kauumpisa pa lang ng klase eh. Excited pa nyan dahil bago pa ang gamit…hehe)
O kaya bumagyo na.. at sana bumaha para walang pasok.
(parang ako dati…haha..ikaw rin naman nyan eh…)
Suspendido ang Klase.
Walang pasok sa Lahat ng antas.

Ang sarap pakinggan diba mga classmates?...hehe[^^,]

Ang sama e no?... para lang walang pasok, pinagdarasal na sana bumagyo.

Haay, Tag-ulan.

2 comments:

bluedreamer27 said...

oo nga eh kainis mabagal ang connection pag naulan sa amin
btw done with your links na

princejuno said...

ganun pati connection damay din pala...hehe

thanks for visiting...[^^,]