Search The Net

Wednesday, November 26, 2008

Always Be My Baby - David Cook

We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine

Now you want to be free
So I'm letting you fly
Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No!

You'll always be a part of me
I'm a part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Ooh darling cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my baby

I ain't gonna cry no
And I won't beg you to stay
If you're determined to leave girl
I will not stand in your way
But inevitably you'll be back again
Cause ya know in your heart babe
Our love will never end no

You'll always be a part of me
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Ooh darling cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my baby

I know that you'll be back girl
When your days and your nights get a little bit colder oooohhh
I know that, you'll be right back, babe
Ooooh! baby believe me it's only a matter of time

You'll always be apart of me
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Ooh darling cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my my baby....

You'll always be apart of me (you will always be)
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Ooh darling cause you'll always be my baby
And we'll linger on (we will linger on....)
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my baby

Always be my baby

Lips Of An Angel - Hinder


Honey why you calling me so late?
It's kinda hard to talk right now.
Honey why are you crying? Is everything okay?
I gotta whisper 'cause I can't be too loud

Well, my girl's in the next room
Sometimes I wish she was you
I guess we never really moved on
It's really good to hear your voice say my name
It sounds so sweet
Coming from the lips of an angel
Hearing those words it makes me weak

And I never wanna say goodbye
But girl you make it hard to be faithful
With the lips of an angel

It's funny that you're calling me tonight
And, yes, I've dreamt of you too
And does he know you're talking to me
Will it start a fight
No I don't think she has a clue

Well my girl's in the next room
Sometimes I wish she was you
I guess we never really moved on
It's really good to hear your voice say my name
It sounds so sweet
Coming from the lips of an angel
Hearing those words it makes me weak

And I never wanna say goodbye
But girl you make it hard to be faithful
With the lips of an angel

It's really good to hear your voice say my name
It sounds so sweet
Coming from the lips of an angel
Hearing those words it makes me weak

And I never wanna say goodbye
But girl you make it hard to be faithful
With the lips of an angel

And I never wanna say goodbye
But girl you make it hard to be faithful
With the lips of an angel

Honey why you calling me so late?

These dreams - mymp


Spare a little candle, save some light for me.
Figures up ahead moving in the trees.
White skin in linen,
Perfume on my wrist,
and the full moon that hangs over these dreams in the mist.


Darkness on the edge, shadows where I stand
I search for the time on a watch with no hands,
I want to see you clearly, come closer to this
But all I remember are the dreams in the mist


CHORUS:
These dreams go on when I close my eyes.
Every second of the night, I live another life.
These dreams that sleep when it's cold outside,
every moment I'm awake, the further I'm away.


Is it cloak and dagger, could it be Spring or Fall?
I Walk without a cut through a stained-glass wall.
Weaker in my eyesight, a candle in my grip,
and words that have no form are falling from my lips.


CHORUS:
These dreams go on when I close my eyes.
Every second of the night, I live another life.
These dreams that sleep when it's cold outside,
every moment I'm awake, the further I'm away.


BRIDGE:
There's something out there I can't resist. I need to
Hide away from the pain.
There's something out there I can't resist.

The sweetest song is silence that I've ever heard.
Funny how your feet in dreams never touch the Earth.
In a wood full of princes, freedom is a kiss.
But the Prince hides his face from dreams in the mist.


(CHORUS 2X)

Tatoo- Jordin Sparks


Oh, oh, oh
No matter what you say about love
I keep coming back for more
Keep my hand in the fire
Sooner or later, I'll get what I'm asking for

No matter what you say about life
I learn every time I bleed
That truth is a stranger
Soul is in danger, I gotta let my spirit be free

To admit that I'm wrong
And then change my mind
Sorry but I have to move on
And leave you behind

[Chorus]
I can't waste time so give it a moment
I realize, nothing's broken
No need to worry 'bout everything I've done
Live every second like it was my last one
Don't look back got a new direction
I loved you once, needed protection
You're still a part of everything I do
You're on my heart just like a tattoo

(Just like a tattoo, I'll always have you

I'll always have you, I'll always have you)

I'm sick of playing all of these games
It's not about taking sides
When I looked in the mirror, didn't deliver
It hurt enough to think that I could

Stop, admit that I'm wrong
And then change my mind
Sorry but I gotta be strong
And leave you behind

[Chorus]
(Just like a tattoo, I'll always have you
I'll always have you)

[Bridge]
If I live every moment
Won't change any moment
Still a part of me and you
I will never regret you
Still the memory of you
Marks everything i do

[Chorus x2]
Just like a tattoo
I'll always have you

Tonight, I'm missin you.♀♂


If i could rearrange the stars in the sky,
i would draw your face from those stars that fly.
For i would stop these eyes to cry,
coz night will help me forget to die.

I've been missing you, as time goes by,
it starts when you said goodbye.
This feeling is rising so high each night,
so come back baby and hug me tight.

Pasearch naman


Kahit nabubuhay na tayo, sa digital na mundo.
Na ang lahat ng bagay ay tuluyang ng nagbago.
Mahirap parin hanapin ang taong umiibig sa atin ng totoo.
Minsan nasa tabi na, pero parang nakatago o nagtatago.

Ang dami ng search engine sa internet ang nagamit ko,
pero kahit isa di mahanap ang pangalan mo.
Siguro nga may search engine din sa ating mga puso.
Na kailangang gamitin at malaman kung paano.

Pero sino kaya ang sa atin ang magtuturo?
Para ang naghahanapang puso, tuluyan ng magtagpo.

Tuesday, November 4, 2008

P.S.♀♂


Sa tuwing nakikita kita, naiinis ako.
Ayokong nakikita ang mukha mo.
Lalo na kapag tumatawa ka, naaasar talaga ako.
Kapag papalapit ka na, nagtatago ako.
Kapag nakakasalubong naman, umiiwas ako.
Marinig lang ang boses mo, dugo ko'y kumukulo.
Basta nakita na kita, sira ng araw ko.
Kahit masulyapan ka lang, badtrip na ko.
Marinig lang boses mo, mundo ko'y gumuguho.
Huwag kang titingin, mood ko'y naglalaho.
Please lang, alis ka na, please lang wag ka nang magpakita.
Asar na asar ako.
Galit na galit sayo. Hindi kita mahal. Hindi kita mahal.

P.S.
Sinungaling akong tao.
pakatandaan mo.

My heart is still not feeling well♀♂


From heart disease i'm vaccinated.
from pain i'm now saturated.
but still my body is not coordinated.
Coz i'm suffering from heartache and feel hallucinated.

Laya♀♂


Malaya kang nagmahal noong minahal mo ko, kaya sana palayain mo rin ako sa pagmahal ng mamahalin ko.

1 2 3 Pass!♀♂


(dedicated to one two three pass company...haha)

Ikaw ba'y nagpapalipas oras?
Tara tayo'y mag 1 2 3 pass!
Baraha'y inyo nang ilabas.
Pati pulbos, sa mukha ipangkakaskas.

Kinakailangan ang ibayong lakas.
Mata at isip ay dapat matalas.
Ihanda ang kamay sa paghampas.
Walang dayaan dapat ay patas.

Dapat na alam mo ang batas.
Parusa'y wala kang katakas.
Siguradong enjoy naman to the max.
Sa tawa ay wala kang kaligtas.

Madali lang ang 1 2 3 pass.
1 baraha ay kailangang i pass.
Hanggang sa apat ay magkakaparehas.
Ipatong ang kamay talo ang nasa taas.

Tara huwag nang magpalampas.
Umpisahan nang mag 1 2 3 pass.
1 2 3 pass.. 1 2 3 pass.
Mula new year hanggang x-mas.

LALABAN KA?♀♂


Bakit kaya, iyong mga gusto mong makilala...

Parang nilalayo sa'yo ng tadhana...

Ano ang gagawin mo...

Kung ang tadhana na ang makakalaban mo?

~¤ULAN¤~


Sino ang iyong sasabayan?

Ang taong kumuha ng payong para ika'y payungan..

O

ang taong sinabayan kang mabasa sa ulan?

~¤TINGIN¤~


Sino ang iyong pipiliin?

Ang taong iyong kapiling pero sa iba nakatingin..

O

ang taong iba ang kapiling pero sa iyo naman nakatingin?

Magsalita Ka♀♂


Kung mahal mo ko... Edi sabihin mo...
Para malaman ko.

Kung hindi naman...
Ako'y dahandahan...
Nang bitawan.

FILE NO. 13♀♂


I have to say you'r a file number thirteen..

You deserved to be thrown in the can.
And let all memories Totally Burn.

You're a file number thirteen indeed..
Because again you made my heart bleed..

~¤C.U.T.E. TEARS¤~


Cry under the earth's tears..
To wash away the sorrows and fears..
Who will notice the watery eyes..
When every tear drop mixes with the rain and suddenly dies..

TULOG♀♂

'Di ko kayang patulugin..
Itong aking damdamin..
Pilit nagigising..
Ikaw pa rin ang nais makapiling..
'Di ko talaga kayang patulugin..
Itong aking damdamin..
Pilit nagigising..
Ikaw pa rin talaga ang nais makapiling..

~¤PAREHO¤~

Nasaan ba ako sa iyo?
Sa isip mo o sa puso mo?

Ano ba ako sa iyo?Gusto mo o mahal mo?

Sana sagot mo...
pareho.

NGITI♀♂


Dilim man ay nagbabantang magpakita,
Ang kalangitan ay patuloy parin sa pag pinta.
Huwag kang mag-alala,
at mawalan ng pag-asa.

Darating din ang bukas.
Araw ay muling tataas.
Sa buwan at mga bituin.
Kislap ay iyo munang tipunin.

Hayaan mo.
Nandito ako.
Kasama mo.
Sa tabi mo.

Mapa araw man o gabi.
Ako ay tatabi.
Hanggang sa isang ngiti.
Ang muling guguhit sa iyong labi.

THE TREE HOUSE PAGE 10

12pm.
Sa bahay nina Michael.
Nag-doorbell si Michael.

Vince: Alam ba ni tita na darating tayo?
Michael: Oo syempre.. Nagtext ako.. At tinext ko rin si pinsan.. Para sure na nandito sya..
Vince: Ah mabuti naman.. Wala din syang pasok pag sabado..
Michael: Oo wala din sya.. Naliligo na yata sya nyan.. Nung tinext ko kanina maliligo na daw..
Vince: Ok.. Napapaihi ako..
Michael: Bakit kaya walang nagbubukas?

Sa loob ng bahay.
Tita Mirene: A sina Michael na mga ito. Sandali lang. Cris, buksan mo nga iyong gate... May niluluto pa kasi ako dito.. Baka masunog.

Di sumasagot si Cris.
Binuksan na nina Michael ang gate. At pumasok na sila.

Michael: Ma.. Pumasok na kami..
Vince: Tita mano po..
Tita Mirene: God bless.. Di ko kasi maiwan itong niluluto ko e... Si Cris naman naliligo sa taas..
Vince: Ang bango naman ng niluluto nyo..
Michael: At siguradong masarap yan..
Tita Mirene: Syempre! Kaya ubusin nyo ito lahat...
Michael: Oo ma, talagang uubusin namin iyan..Hehe
Vince: (kay Michael) Mike, napapaihi ako..
Michael: Ayan... C.R. Ka na...
Tita Mirene: Naku.. Sa taas ka na lang.. Sira kasi toilet dito.. Pinapaayos ko nga.. Nabarado..
Vince: A ok po..(umakyat si Vince para umihi)

Dahil napapaihi na si Vince. Ang unang banyong nakita pinasukan na nya.
Vince: Sasabog na pantog ko.. Dito na lang.. (binuksan nya ang banyo.. Hindi ito sarado kaya pumasok na sya) haay.. Salamat...

Narinig ni Vince na nakabukas ang faucet sa shower area na may fiber glass na sliding door. Nakasara ang shower area sa loob ng banyo. Nakabukas ang faucet sa bathtub. Kaya binuksan nya ang pinto ng shower area.
Nagulat si Vince pagbukas nya ng pinto.. May babaeng naliligo na nakababad sa bathtub na nakafacialmask na may pipino sa mata kaya di sya nakita nito. Dahil sa gulat ni Vince, tumakbo ito at sinara ang pintuan ng banyo ng may kalakasan kaya narinig ng babae. Nagtaka ang babae bakit nakabukas ang pintuan ng shower at di nakalock ang pintuan. Tumakbo si Vince pababa. At nagmadaling umalis.

Vince: Mike, alis na ako.. Tumawag si Erpat.
Michael: O mamaya nalang.. Bababa na nyan si Cris..
Tita Mirene: Oo nga, pinagluto ko pa naman kayo.
Vince: Naku.. Nakakahiya naman po.. Kailangan na po ako umalis.. Next time nalang po.. Ge po..(pinagpapawisan) ge Mike.. Next time na lang... (Umalis na si Vince. Nagiisip.) Ano tong nangyari.. Nabosohan ko pa pinsan ni Mike. Babae pala ang pinsan nya.. E Cris ang pangalan nya.. Akala ko lalaki. Haay... Nakakahiya pag nalaman nya.

THE TREE HOUSE PAGE 9

Sa boarding house.
Nakaupo si Vince. Nanonood ng tv. At nagtetext.
Vince: (may napansin sa cellphone nya) Teka nga.. Ngayon ko lang napansin.. Bakit hindi nagaalert ngayon ang cellphone ko kapag may nagtetext.. Kanina lang bago ako umalis, tumunog.. (tiningnan ang settings)Naka off ang message alert.. Ibig sabihin hindi akin ang nagtext kanina.. May ibang tao kanina dito?. May pumasok..
(Dumating si Michael)
Michael: Andito na ko...
Vince: O buti, nandito kana...
Michael: Bakit?
Vince: Kanina kasi parang may pumasok dito, kasi nakabukas ang pinto, bago ako naligo, sinasara ko. Tas pagkakita bukas.. Tas may nagtext.. E hindi naman akin ang nagring..
Michael: O ikaw na ata na papraning..
Vince: Totoo..
Michael: Totoong napapraning ka na.. Oo alam ko..Hehe
Vince: Ito naman.. May pumasok talaga...
Michael: O sige na.. May pumasok kung may pumasok.. May nawala naman ba?
Vince: Ah... Wala naman..
Michael: Iyon naman pala.. Baka stalker mo lang..
Vince: Anong stalker. Bahala ka.. O nakita mo na ba ang susi mo?
Michael: Oo nasa amin.. Nakita ni pinsan.. Nga pala eng-eng din pala si Cris e..
Vince: Talaga?
Michael: Oo, baka nakita mo na hindi mo lang alam..
Vince: Baka nga..
Michael: Baka classmate mo pa. Ge bukas punta tayo sa amin.. Sabado rin bukas.. May pasok ka ba?
Vince: Wala.. Sige dalaw tayo sa inyo.. Iyong pasalubong ko sa kanya?
Michael: Ito naman, hindi pa nakakalimutan ang pasalubong.. Bukas hingi ka..Hehe
Vince: Joke lang.. Hindi pa nga kami nagkikita... Pasalubong na ang habol...
Michael: Ewan ko sayo, basta ako matutulog na... Pagod na pagod ako... Haay... Ge, tulog na ako...
Vince: Ge! Buti pa nga...Hehe

Kinabukasan.
9am.
Michael: Ang daming magaganda pala sa engineering.. Kahit konti lang mga girls..
Vince: Ayan na naman... O baka gusto mo magshift ng engineering..
Michael: Hindi naman.. O mga 11 punta na tayo sa amin..
Vince: Akala ko mamaya pa tayo pupunta..
Michael: Doon kasi tayo mag-lulunch...
Vince: Hehe... A ganoon ba...
Siguro naman magkikita na kami ng pinsan mo nito.
Michael: Sigurado na iyon.

THE TREE HOUSE PAGE 8

7pm.
Sa bahay nina Michael.
Umuwi si Michael.

Nanay Mirene: O son, nauwi ka.. Sabi ko na sayo huwag ka nang magboard.. Dito ka nalang sa bahay..
Michael: Ma, pinag-usapan na natin yan di ba?...
Nanay Mirene: Oo nga syempre.. Nag-aalala kasi ako.
Michael: Ma, wag kang mag-alala sa akin malaki nako.
Nanay Mirene: Nagbabakasakali lang baka nagbago na isip mo... O nga pala... Nakita mo pala pinsan mo? Hinahanap ka..
Michael: Hindi po kami nagkita.. Anong oras ba sya uuwi nyan?
Nanay Mirene: 9 pa yata..
Michael: Bakit naman ako hinahanap? E ma, speaking of hinahanap.. Nakita nyo po ba ang susi ko sa boarding house? Iyong may keychain na kotse.
Nanay Mirene: Iyon na nga, kaya hinahanap ka ng pinsan mong si Cris.. Ibibigay sayo.. Nakita nya sa may kusina sa may lababo...
Michael: A ganoon po ba, buti na lang dito ko lang naiwan.
Nanay Mirene: Sabi nya idadaan sa boarding house nyo..
Michael: E ma, di naman nya alam iyong lugar e.
Nanay Mirene: Binigay ko iyong address e.. Kung sa bagay.. Hindi nya kabisado itong lugar..
Michael: Syempre ma. O sige ma.. Alis na ako..
Nanay Mirene: Kain ka na muna dito..
Michael: O sige po.. Gutom na rin ako.

9pm.
Michael: O ma, alis na po ako..
Nanay Mirene: Hintayin mo na pinsan mo.
(Dumarating si Cris.) O ayan na pala.. O Cris aga yata labas nyo?
Cris: Wala po instructor namin for the last subject e..
Nanay Mirene: Ah.. O heto si Michael.. Iyong ibibigay mo sana..
Cris: Ay oo nga pala.. Heto pinsan..
Michael: Pinsan.. Pumunta ka ba sa boarding house namin..
Cris: A may kasama ka sa boarding house?
Michael: Si Vince.. Iyong kinukwento ko sa yo... Iyong bestfriend ko..
Cris: Ah... Pumunta ako.. Ay hindi pala.. Hindi ko naman alam iyong lugar nyo e..
Michael: Sabi ko nga.. Gusto mo dumalaw sa boarding house? Para magkita na kayo ng bestfriend ko e..
Cris: Bakit hindi mo sya sinama ngayon?
Michael: Hanggang 9pm ang pasok nya e...
Cris: Ah.. Hindi kayo magkaklase?..
Michael: Engineering sya.. Archi ako... Kaw pala ano course mo?
Cris: Engineering din.
Michael: Akalain mo iyon.. Baka nakita mo na si Vince hindi mo lang alam.. Bat di mo kaya ako i text no.
Cris: Oo nga naman.. Sandali save mo nga number mo.
Michael: Akin na.. (pindot) o heto.. Basta pag asa school ka text mo ko.
Cris: Ok..
Michael: O sige pinsan, ma.. Una na ko.. (Umalis na si Mike.)

THE TREE HOUSE PAGE 7

Dadamputin ni Vince ang nahulog na twalya. Mukhang malalaman na ni Vince na may nagtatago sa ilalim ng kama.
Babae: (Hindi gumagalaw at sinasabi sa sarili) Huwag kang titingin dito. Huwag. Huwag.
Titingin na si Vince sa may kama. May biglang tumawag sa cellphone nya. Kaya hindi sya nakatingin at hindi napansin ang tao sa ilalim ng kama. Tumawag ang kambal ni Vince.
Babae: Buti na lang.. Kinabahan ako doon. Anong oras kaya ito aalis?. At anong oras na kaya?. naku..
Ilang minuto ang lumipas..
Babae: Ang baho naman at ang init naman dito.. Mukhang aalis na sya.. Thank God.

Sinasarado na ni Vince ang pintuan sa kwarto ng biglang may nagtext sa babae sa baba ng kama. Narinig ni Vince ang tunog. Kaya lumapit sya.

Babae: Patay ako. Naku.. Narinig nya..
Papunta sa kama si Vince at nang malapit na sa kama..
Vince: Buti nalang may nagtext.. Muntik ko nang nakalimutan ang cell ko dito..

Naligtas ngayon ang babae buti na lang may nagtext din kay Vince.. At naiwan nito ang cellphone nya sa ibabaw ng kama.
Babae: Hay salamat.. Buti na lang..
Tuluyan ng pumasok si Vince. Nilock nya ang pinto ng boarding house. Pati iyong lock sa labas..

Ooops! Pano na makalalabas ang babae? Mabibisto kaya sya?
Babae: Paano na ito?.. Mukhang magtatagal ako dito ah..

1:20pm.
Sa classroom.
Hindi na late si Vince.
Kadarating lang ng englishera na maarteng babaeng katabi ni Vince. Hindi sya napagalitan sa teacher nagpaliwanag na nawawala daw ang I.D. nya kaya daw siya nalate. Hindi daw sya agad pinapasok.
Vince: Ang clumsy mo kasi kaya yan pati I.D. mo nawawala..Ilang araw palang ang class nawala na I.D. mo.(wow! Di man lang nagsalita o umimik)

Nagtataka si Vince kung bakit hindi sya ngayon inaasar ng babae na hanggang ngayon hindi pa nya alam ang pangalan. Kaya inip sya. Pero heto na asaran na. Ngumingiti ngiti ang englisherang babae.
Vince: O anong nginingiti ngiti mo dyan? Parang nakaloko ka a.
Babae: You think ikaw nginingitian ko Mr. Dirty Shirt? Bakit masama bang ngumiti?
Asaran hanggang sa...
Teacher: Mr. Dirty Shirt.silence please!... (Kaya tawag ng lahat sa kanya Mr. Dirty Shirt)

THE TREE HOUSE PAGE 6

Kinabukasan.
9am.
Nakabihis na si Michael. Paalis na sya.

Michael: Anong oras klase mo?
Vince: Mamaya pang 1pm.
Bakit?
Michael: A mamaya pa... Hugasan mo mga plato..Hehe
Vince: Oo na...O nga pala ayaw mo muna hiramin susi ko?
Michael: Hindi na.. Dadaan na lang ako sa bahay.. Alam ko nandoon lang yon.
Vince: Bahala ka... Gagabihin ako mamaya..
Michael: Oo alam ko.. Basta pag aalis ka or lalabas siguraduhin mong nakalock ng maayos.
Vince: Aru! Praning ka na naman...
Michael: Praning na kung praning.. Mahirap na baka manakawan.
Vince: Ano naman kinakabahan mong manakawan sayo?
Michael: Ang kagwapuhan ko..Hehe
Vince: Aba pwede palang manakaw yun.. Akala ko nanakaw na dati pa..Hehe
Michael: Ito naman kontra ng kontra..
Vince: Syempre.. O baka malate kagwapuhan mo..Hehe
Michael: O sige na.. Alis na ako.. Pakihanap nalang dyan ang susi ko a.. At pakalock mo pinto pagalis mo..
Vince: Opo.. Hehe

11:30am.
Naghahanda na si Vince para pumasok. Kumain na sya ng tanghalian dahil 1pm pasok nya.
Sa kwarto. Naghahanap ng damit si Vince sa drawer.
Vince: Naku.. Mag12 na..Maliligo na ako.

Samantala, may isang babae ang lumalapit sa boarding house nila. Kumatok ito sa boarding house nila at walang nagbubukas dahil wala si Michael at si Vince naman ay kasalukuyang naliligo. Binuksan ng babae ang pinto.At pumasok sa loob. Dahil nasa loob ng banyo si Vince, hindi nya alam ang nangyayari. Nagmamasid ang babae sa loob na parang may hinahanap. Pumasok ang babae sa kwarto.

Sa banyo.
Vince: Naku.. Naiwan ko pa damit ko sa kwarto.. (nagtapis na lang sya ng tuwalya)

Nakalimutan ng babae na isara ang pintuan kaya nagtaka si Vince kung bakit nakabukas.
Vince: Bakit kaya naka bukas yon.. E nilock ko pa nga iyon. Baka pinasukan na kami ng magnanakaw. (Kaya dali dali siyang pumunta sa kwarto.) Hay! Mukhang napapraning na rin ako tulad ni Mike.
Walang kamalay malay si Vince na may tao sa loob ng kwarto. Dahil narinig ng babae na may paparating sa kwarto, nagtago ito sa ilalim ng kama na malapit sa pintuan. Na ipit ang twalya sa pintuan ng kwarto, kaya ng naglakad papuntang kama para kunin ang brief at damit, natanggal ito. E nasa kwarto sya sinong makakakita. Iyon ang hindi alam ni Vince. Na may babaeng nakakapanood dahil kitang kita ng babae ang lahat lahat kay Vince sa kinalalagyan nya. Hindi makapagreact ang babae baka malaman ni Vince na nandoon sya sa ilalim ng kama. Nagbibihis na si Vince wala parin syang alam na may babae sa ilalim ng kama. Babae: Mukhang mali ata ang napasukan kong boarding house. Ano tong mga nakikita ko. Hindi naman ako makasigaw dahil baka isipin nya binobosohan ko sya. Hindi nga ba? Hindi rin ako makaalis. Anong gagawin ko. Pag nakita nya ako nakakahiya. Baka isipin nyang stalker ako. Hintayin ko nalang na umalis sya.

THE TREE HOUSE PAGE 5

9pm.
Kauuwi lang ni Michael.
Sa boarding house.

Vince: O Pareng Mike! Buti ngayon ka palang?...
Michael: Ito naman. Parang mom ko kung makapagtanong ah...Hehe Syempre hinatid ko pa mga gfs ko...Gfs!...Hehe
Vince: Naku! Babae talaga inatupag nito...
Michael: Dumaan ako kanina dito kaso nawawala susi ko. Kaya naggirl watching muna ako kasama mga new friends.
Vince: Ha?! Nawala susi mo.
Michael: Iyon na nga e. Ewan ko kung saan ko nailagay.
Vince: Baka naiwan mo sa bahay nyo nung umuwi ka.
Michael: Baka nga.. Kaya bukas pagkatapos ng klase daan muna ako sa amin..
Vince: Ah..
Michael: Gusto mo ako samahan?
Vince: Gabi na ako uuwi bukas e.
Michael: A ganoon ba. Hanggang ngayon kasi di mo pa namemeet si pinsan.
Vince: Ya nga. Papuntahan mo sya dito. O baka gusto nya maki share dito.. Tutal dalawa lang tayo.
Michael: (mukhang di pa nya talaga alam ang pinsan ko) Ah.. Ge tatanungin ko sya kung gusto nya.
Vince: Oo.. Para mas masaya. What pala course na kinuha ni Cris?
Michael: Hindi ako sure kung Accountancy or Engineering.
Vince: Bakit di ka sigurado?
Michael: E kanina lang sya nagenroll e. Kaya di ako sigurado.
Vince: Ay pare! May ikukwento pala ako.
Michael: O napano?
Vince: Ang malas malas ko talaga ngayong araw.. Bad trip!
Michael: O bakit naman?
Vince: Alam mo iyong babaeng englisherang nagtapon ng shake sa akin. Akalain mong kaklase ko pa sya!
Michael: O e anong problema doon? Maganda naman yata.
Vince: E pano kasi hindi lang kaklase.. Seat mate ko pa!
Michael: Talaga?! Baka di lang seat mate. Iyan na ang soul mate mo..Hehe
Vince: Anong soul mate.. Baka check mate. E pano ba naman.. Puro kamalasan ang dala non sa akin. Dahil sa kanya nalate ako. Napagalitan pa ako sa teacher namin.
Michael: Ito naman.. Type mo lang nyan e..Hehe
Vince: Anong type.. Baka type gantihan.
Michael: Aru.. May kasabihan pamo na The More You Hate The More You Love..Hehe
Vince: Naku! Di yan totoo.
Michael: O sige na.. Bat di ka pa kasi mag girlfriend.. E gwapo ka tulad ko.. Dami ngang lumalapit sayo e.
Vince: Wala pa sa bokabularyo ko ang magkagf.. Sakit lang sa ulo mga babae.. Lahat ng babaeng dumadating sa buhay ko.. Nawawala.. Tsaka sakit lang sa bulsa yan.. Magastos.
Michael: Bakit sino bang nagsabing tayo ang gagastos.. Sa gwapo nating to!
Vince: Ito talaga basta babae. O bawal mag uwi ng babae dito a.. Bawal daw sabi ng kasera.
Michael: Naku walang bawal bawal. Nga pala. Kanina iyong isa sa mga new friends ko. Malapit lang dito iyong boarding house nila pinasukan sila ng magnanakaw.
Vince: Talaga. O madaming nakuha?
Michael: Wala.
Vince: Anong wala.
Michael: Walang nakuha.. Kasi ngayon palang sila lilipat..Hehe
Vince: Haha..Nakakatawa.
Michael: Hindi.. Basta pag aalis ka.. O may gagawin.. Siguraduhin mong naka lock ng mabuti ito. Mahirap na. Lalo na nawala pa susi ko. Baka may nakapulot tas ginamit at pinasukan tayo.
Vince: Ito naman.. Ang praning nito! Opo lolo..Hehe
Michael: At ginawa pa akong lolo..
O tara kain na tayo.

THE TREE HOUSE PAGE 4

1:15pm.
Sa classroom.
Vince: Nandito lang pala itong room na ito. Pinahirapan pa ako. Naku! late na ako. First day na first day pamo. Iyong kasing englisherang babaeng iyon. (sumisilip sa labas si Vince. Napansin sya ng teacher na sumisilip sa labas )
Teacher: Hey! You! The guy outside.
Vince: Yes maam! (at pumasok sa room)
Teacher: Are you belong in this class?
Vince: Yes maam. (heto na naman. Englishan na naman. Mukhang masusungitan ako. Badtrip na araw na to! Malas!)
Teacher: What time is it? Youre already late. First day of class youre late.
Vince: Im sorry maam.
Teacher: Make sure next time you wont be late.
Vince: Yes maam.
Teacher: Write your name here in my seatplan. And occupy the last seat there. Ok.
Vince: Ok maam.
Teacher: Whats that on your shirt? One more. Make sure youre wearing a clean shirt next time you enter this room.
Vince: (naku! Napansin pa nya damit ko. Tawanan mga classmates ko. Nakakahiya. )
Teacher: Is that clear?
Vince: (lumakad at umupo sa arm chair sa likod)Yes maam.

May dumating na babae sa room. May mas late kaysa kay Vince. Sa pagmamadali ng babae nahulog nya ang dalang gamit. Tinulungan sya ng mga lalaki sa harapan.
Vince: Naku.. May mas late pa pala sa akin. Siguradong magigisa ito kay maam. Teka parang namumukhaan ko sya. Sya na naman! Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng kamalasan. At magiging kaklase ko pa yata. Malas!
Babae: Good afternoon maam!
Teacher: Are you belong in this class?
Babae: Yes maam!
Teacher: Just write your name here and occupy that seat at the back.
Babae: Ok maam. Thank you.
Teacher: Ok please be seated.
Vince: Ano?!!! Ganoon lang? Asan ang hinihintay kong sermon at sungit! Itong babaeng ito talaga. Nakakabuysit. E mas late pa nga sa akin. Tas ok lang..

Papalapit ang babae.
Babae: Is this seat occupied?
Vince: May nakikita ka bang nakaupo? Di ba wala. E di wala.
Babae: You again?!
Vince: Yes me again.. And you again.
Babae: Yes you Mr. Sungit.
Vince: Sinong masungit? Ako pa ngayon ang masungit.
Babae: Ang sungit mo talaga.
Vince: kaw ang masungit! (napalakas)
Teacher: Mr. Dirty Shirt.. Keep quiet!
Babae: O yan Mr.Sungit narinig ka ni maam. Ang ingay mo kasi.
Vince: Ah ako pa ang maingay?
Teacher: At sinong masungit
Vince: Ikaw! (napalakas ulit napansing tumahimik ang lahat kaya hininaan) ang maingay. Maam sya po. Hindi po ikaw.
Teacher: Mr. Dirty Shirt shut up!
Babae: Beh buti nga..
Vince: Anak ng pitumput pitong puting tupa na man oh... May araw ka rin sa akin...

Monday, November 3, 2008

THE TREE HOUSE PAGE 3

Pasukan na.
First day ng class.
Sa school.

Michael: O Vince, paload lang ako.
Vince: O sige, CR lang ako.

Sa canteen.
Natapunan ang babae ng shake na iniinom nya kaya pumunta sya sa CR.
Babae: O. M. G. I got stain on my shirt. Eew! What a mess!

Dahil sa pagmamadali ng babae, pumasok sya sa mens room ng di namamalayan. At nang di sinasadya...

Vince: Waah... Anak ng pitumput pitong puting tupa naman oh! Anong ginawa mo?!
Babae: O. M. G. !
Vince: Pag minamalas ka nga naman oh...
Babae: Oh. Im sorry!.. Here is the tissue.( dahil sa taranta pinunasan nya si Vince )
Vince: ( Pa english english pa to! ) Naku naman! No! Dont dont dont do dat!... Waah... (lalong kumalat ) See.. Hmm... You dan... Its much kalat na.. ( nakakanosebleed naman to! )
Babae: O no! Im sorry... Im realy realy realy sorry...
Vince: Naw, wat yor sori ken du...(tama ba? Basta) wat ar yu duin ba hir...
Babae: Why not?!
Vince: This is mens CR!
Babae: Oh no! Realy??
Vince: O yes!
Babae: Ok, but why are you still angry to me! I already made an apology.. Again im sorry! What do you want me to do then?. ( napatingin sa pants ni Vince ) O. M. G.! I think you forgot to close your zipper.
Vince: What??
Babae: Bukas ang zipper mo!
Vince: (tumingin sa zipper) Anak ng pitumput pitong puting tupa. Bukas nga! (pumasok sa CR ulit si Vince..)
Vince: Babaeng yon.. Marunong naman palang mag tagalog.. Pinahirapan pa ako.. May araw din yon! Di pa ako tapos sa kanya.

Dumating si Michael. Pumasok sa CR.
Michael: O Pare.. Ang tagal mo naman sa CR.. (napansin nya ang dumi sa damit ni Vince) ano yan..
Vince: Di mo ba nakikita.. Dumi..
Michael: O sungit mo naman.. Saan nanggaling.
Vince: Bad trip kasi yung english na english na babaeng iyon.. Tinapunan ba naman ako ng shake. Tapos sya pa may ganang magalit.
Michael: Talaga.. O babae iyon.. Easy lang.. Dapat sa babae minamahal..
Vince: Anong minamahal.. Sya pa ata kinakampihan mo.
Michael: Bakit, maganda ba?
Vince: Ito naman basta babae.. Walang patawad.
Michael: Hehe.. O bagay naman pala sa damit mo. White pa mo damit mo. Design lang yan..
Vince: Ah bagay naman..
Michael: Oo bagay..
Vince: Anong oras na ba? Punta muna kaya ako boarding house
Michael: Oras? Oras na para magpalit ng damit. Hehe.. Hindi mag 1pm na.
Vince: Talaga? Hindi nga?
Michael: Oo 1pm na!
Vince: Naku malelate nako!
Michael: Ge pasok ka na. Mamaya pa ako papasok.
Vince: O sige..
Michael: Ge.. Goodluck sa first subject mo. Ako hanap ako chicks! Hehe

THE TREE HOUSE PAGE 2

Michael: Ano kasi ang pangalan ni tita?
Ring ring ring.. May tumatawag sa cellphone ni Michael.
Vince: O Mike may tumatawag yata cell mo.
Michael: Paabot.. Hello Ma.. Buti napatawag ka ma?
On the phone: Asan ka nyan? Dumating na pinsan mo. Hinahanap ka.
Michael: Ha?! Dumating na si Cris. Akala ko bukas palang sya darating.
On the phone: Excited siguro kaya napaaga. O punta kana dito. Sama mo si Vince. O sige bye na.
Michael: Ok po. Sige po punta na kami. Bye.( baba ang cellphone ) O Vince tara punta tayo sa amin. Dumating si Cris. (napatingin kay Vince may hawak ulit na picture ) O ano naman yan?
Sino yang mga madudungis na yan.
Vince: A heto ako at si Tintin. Iyong kalaro namin dati. Kakatuwa nga e. Pareho tawag sa amin. Tintin palayaw nya, at Tintin din tawag sa akin.
Michael: Wow! cute naman. Mas cute pag Tintin. Tintin nalang tawag ko sa yo..Haha
Vince: Subukan mo naman. Ayokong tinatawag ng ganon.
Michael: Bakit naman? Cute nga e. Saan ba ito?
Vince: Sa may tree house doon sa malapit sa amin. Sa probinsya namin sa Batangas. Kung saan ako nag elementary.
Michael: A ganoon ba Tintin.. Hehe.. May pagkasentimental ka pala.
Vince: Tumigil ka nga.
Michael: Mukhang very significant sayo to ah.. So asan na si Tintin2 a Tintin1.. Hehe.
Vince: Wala na din. Umalis din.
Michael: Siguro.. First love mo si Tintin2 no?
Vince: Ha?! Hindi..
Michael: Aru.. Kunwari pa ito. Tara! tama na nga iyan. Punta na tayo sa bahay. Sayang pasalubong.. Hehe.
Vince: O sige.. Sayang nga pasalubong.. At para makilala ko na rin si Cris.
Michael: O bilisan mo. Tapusin mo na yan.
Vince: Oo na.

Umuwi si Michael kasama ni Vince. May tumawag sa cellphone ni Vince.

Vince: Naku pare.. Si erpat tumawag.. Ibibigay iyong allowance namin..
Michael: Wrong timing naman. Gusto mo samahan na muna kita tapos doon nalang tayo pumunta sa anim.
Vince: Hindi. Hinihintay ka nang pinsan mo. Next time na lang.
Michael: O sige.. Kaw ang bahala.. Sayang ang pasalubong.. Haha
Vince: Ito naman ginawa pa akong mukhang pasalubong. Ge sabihin mo iyong akin ihiwalay ah.. Hehe Alis na ako. Hinihintay na ako ni erpat.

THE TREE HOUSE PAGE 1

Sa school.
Enrollment ng mga freshmen.

Vince: Pare, pagkatapos nating mag enroll, mag lipat na tayo ng gamit sa boarding house.
Michael: Oo sige, asan pala kakambal mo? Di ba first year college din sya, buti di mo kasabay mag enroll?
Vince: Ibang school kasi ang papasukan nya e. Wala yung course na gusto niya dito.
Michael: Ah.. Buti ayaw niya mag Engineering?
Vince: Ewan ko nga doon. Gusto nya Fine Arts.
Michael: Ah ganoon.. Nga pala.. Darating yung cousin ko.
Vince: Sinong cousin?
Michael: Si Cris. Galing Canada.
Vince: Ah si Cris.. Sino yon?
Michael: Ito naman.. Kala ko kilala na.. Iyong kinu kwento ko sayo.. Iyong pinaka close na cousin ko.
Vince: Ah si Cris.. Hindi parin e.. Hehe.
Michael: Hay! Memory gap.. Basta pag dumating sya, sama ka para makilala mo na sya.
Vince: Oo naman.

Sa boarding house.
Nag aayos ng gamit sina Vince at Michael.
Michael: O Vince, dito kama ko.. Syempre dyan naman sayo.. Hehe.
Vince: Ang daya mo Mike.
Michael: Wala ganyan talaga.. Una unahan lang yan.. Parang chicks lang yan..

Nanahimik si Vince. May tinitingnang picture. Family picture nung baby palang siya.
Michael: O wala man lang reaksyon dyan.. Ano yan? Nanahimik ka.
Vince: Ah wala..
Michael: Patingin.. Ito naman parang di tayo mag bestfriend ah..
Vince: Aru.. Ito naman.. O heto..
Michael: Wow! Ang cute mo pala nung baby.
Vince: Bakit ngayon hindi? Ah! Ah!
Michael: Ngayon.. hmmm. cute pa rin.. Nakakatacute..Haha
Vince: Ah ganoon! Akin nayan!
Michael: Heto naman di mo mabiro. Joke lang. O asan ka dito.
Vince: Ayan kalong ni erpat.. Akala ko ba bestfriend mo ko e bat di mo alam kung asan ako dyan.
Michael: Magka mukha kasi kayo ng kambal mo.
Vince: Syempre kambal kami.. Kaya magka mukha kami. Naku..
Michael: Oo na.. Pareho kaya mahaba buhok nyo ng kambal mo. So heto nanay mo. Syempre di ba sino pa ba. Parang familiar nanay mo. Parang nakita ko na.
Vince: Ngayon mo palang nakita nanay ko?
Michael: Magtatanong ba ako kung nakita ko na. Tsaka sabi ko nga parang familiar.
Vince: Aba! Bumabawi.. Gumaganti.
Michael: Ganoon talaga.. Hanggang ngayon ba hindi pa rin nagpapakita o kaya nagpapa ramdam si tita?
Vince: Hindi na siguro iyon magpaparamdam.. Iyan lang ang picture ko sa kanya. At iyan ang last na kasama namin sya.

THE TREE HOUSE-COVER PHRASE


The Tree house..
where my heart is residing and at the same time hiding.

Tayo ay katulad ng isang tree house.. May mga taong sa atin ay pumapanik, sumisilong, nagpapahangin, nagpapalipas-oras, nag-aabang, at minsan naghihintay.
Pero aalis rin pagkatapos.
Walang nagtatagal.
Ngayon ikaw ay dumating..
Anong gagawin mo sa tree house ko? Magtatagal ka ba? mananatili na?
O aalis din katulad nila?

~¤Eskwater man ako sa iyong puso¤~

Eskwater man ako sa iyong puso
Na pilit pinansisiksikan ang sarili ko
Sana naman ay pansinin mo
Itong nadarama ko para sa iyo.

Eskwater man ako sa iyong puso
Ilang ulit nang tinataboy, pinapalayo
Babalik at babalik ako
Kahit hanggang sa ako ay maaresto.

Eskwater man ako sa iyong puso
Nasasaktan twing iba ang pinapatira mo
Ok lang naman, sanay na ko
Aasa at iibig pa rin sa iyo.

Eskwater man ako sa iyong puso
Ayus lang, masaya na rin ako
Kahit illegal man ang pagtira ko
Masisisi mo ba ako kung minahal kita nang todo.

~¤SABAY TAYO¤~

Hindi lahat nang nakakasalubong mo, sasabay sayo hanggang sa pupuntahan mo.

Hindi rin lahat ng nakakasabay mo sasamahan ka hanggang sa dulo.

Minsan may mga taong akala mo sasamahan kana hanggang dulo pero bigla rin palang aalis at lalayo.

Pero di ibig sabihing di mo na kasabay ngayon hindi na magkikitang muli o magtatagpo.

Malay mo sa dulo ng iyong pupuntahan. Ang taong akala mong iniwan ka na ay bigla nalang babalik at makikisabay muli sa iyo.

O kaya naman ay may tao palang dati pa naghihintay sa pagdating mo. Kaya bilisan mo. Takbo dali takbo.

~¤MAKULIT NA TUBIG SA MATA¤~

Ang kulit naman nitong tubig sa aking mga mata.
Pinipigilan ko na, pumapatak pa!
Sabi ko nang tama na, wag nang magpakita!
Bakit pag naiisip ka, di mapigilang lumuha.
Siguro nga na, mahal pa rin kita.
Iba man ang kasama, ikaw pa rin sinta.
Kailan kaya kita, makakalimutan sa tuwina.
Para ang makulit na tubig sa mata, ay di na muling magpakita.

~¤KAHIT NA¤~

Kahit na magkanda nosebleed na ako
sa kakaenglish mo.
Kahit na mapuno ng dugo
ang puti kong panyo.
Tuwing makikinig sa iyo.
Kahit na wala man sa kalahati ang IQ ko sa IQ mo.
Kahit na ako ay bobo sa tingin ng tao.
Tandaan mo may alam parin ako.
Sa pagmamahal marunong naman ako.
Walang laman ang utak ko?
Huh! Hindi iyon totoo.
e lagi ka nga sa isip ko.
Hindi lang sa isip pati sa puso ko.
Wala namang talitalino sa isang nagmamahal na puso.
Hindi ba tama ako?

Preface

PrinceJUNO - the prince of paper, pen, pencil and paint. The prince of arts and literature.

This blog would be the haven and sanctuary...
Of my compositions and literary...
This blog would reveal the other side of me...
And would unshadow my true identity.

Be creative.
Be imaginative.
Be artistic.
Be optimistic.
Be true.
Be you.
Be happy.
Be me.
Be Jaypee.

For any comments, suggestions or reactions just drop a message on my eadd jp_dayrit24@yahoo.com or on my friendster account www.friendster.com/princejuno.