Ang kulit naman nitong tubig sa aking mga mata.
Pinipigilan ko na, pumapatak pa!
Sabi ko nang tama na, wag nang magpakita!
Bakit pag naiisip ka, di mapigilang lumuha.
Siguro nga na, mahal pa rin kita.
Iba man ang kasama, ikaw pa rin sinta.
Kailan kaya kita, makakalimutan sa tuwina.
Para ang makulit na tubig sa mata, ay di na muling magpakita.
No comments:
Post a Comment